Elite Warrior

3.2K 138 4
                                    


"Come with us" turan ni Trixie sa kanya.

Hindi nya maintindihan ang nangyayari, pinipilit siya ng mga ito na sumama sa kanila. Kahit pa sabihin niya na ayaw nya at ang gusto nya ay umuwi na lamang. Ngunit ang sabi ng mga ito ay hindi maaari yon pagkat hindi na sya isang karaniwang mortal.

"Bakit hind maaari? Hindi ko maintindihan bakit nyo sinasabi na hindi na ako karaniwang mortal?!" Sabi nya na naguguluhan.

"Wala ka bang napapansing kakaiba sayo?" Tanong ni Trixie.

"Tama na yan! Emerald hihintayin ka namin, alam mo kung saan kami matatagpuan. Huwag mo ng ituloy ang paguwi sa inyo maaring mapahamak lamang ang iyong pamilya pag ginawa mo yan. Dahil mula ngayon ay marami na ang maghahangad ng iyong buhay." Sabi ni Kristen sa kanya at saka inaya na ang mga kaibigan nitong umuwi.

Naiwan syang shock na shock sa isiping maaaring madamay ang kanyang pamilya kung uuwi siya dahil alam pala ng mga ito kung saan siya nakatira!

Obvious na pinagbabantaan siya ng mga ito!

"Bakit napaka tahimik mo yata Emerald?" Tanong sa kanya ni Jinky.

Hindi na sya tumuloy na umalis kahapon at buong gabi niyang pinag isipan kung ano ba ang nangyayari sa kanyang buhay.

At kung ano ang tungkol sa mga bampira? Nag research na sya about vampire at puro mga kwento lang naman na sa palagay nya ay di naman totoo ang mga nakita nya sa internet. Pag pula ng mata, mabilis na kilos, mataas na pagtalon at mga pangil. Totoo ba talaga ang mga iyon? At ano bang kinalaman nya sa kanila?

"May iniisip lang ako" sagot niya rito at ngumiti ng matipid, kasalukuyan silang nag uumagahan ng mga kaibigan.

"So kailan mo balak umuwi best?" Tanong naman sa kanya ni Jessica

"Ahhh si..siguro sa linggo na" alanganin niyang sagot at saka siya napalingon sa labas ng pinto.

Beeeeep!!! Beeeep!!! Beeeeeeep!

Blaaaaaaaag!!!

"Mukang may aksidente ahh!" Sabi niya na napatayo pa sa kinauupuan.

"Hah? Wala naman ahh!" Sabi ni Elaine na syang sumilip sa labas ng pinto.

"Pero may narinig akong malakas na busina at banggaan ng sasakyan, hindi nyo ba narinig?

"Emerald gutom lang yan kain ka pa" Sabi ni Jinky na napapantiskuhan na sa kanya.

Seryoso namang nakatingin sa kanya si Jessica at sinabing "Best baka naman masyado mong iniistress ang sarili mo kaya kung ano ano na ang naririnig mo dyan hah."

"Hindi.. talaga lang kasing..." Sabi nya at saka napabuntong hininga "Siguro nga guniguni ko lang" alanganin na natatawang sabi nya at saka napatakip sa ilong.

Dugo!

Wika nya sa isip ng makaamoy ng dugo.

"Oy Elaine nabalitaan nyo na ba may nagbanggaang sasakyan malapit sa munisipyo na isang jeep at van. Ang dami daw sugatan!" wika ng kanilang chismosang kapitbahay na bigla na lang sumulpot sa pintuan nila.

"Haah!?" Nagtatakang napatingin lahat sa kanya ang mga kaibigan na nagtatanong ang mga mata.

"Seryoso best narinig mo yung banggaan sa ikatlong kanto???" Tanong ni Jessica na di makapaniwala.

You're Only MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon