Tolerate

1.5K 92 35
                                    


"Nice Emerald keep it up!" Pag cheer nila kay Emerald na kasalukuyang sinusubukan ang bagong obstacle course na pinagawa niya sa mga estudyante nya. Ngayong araw sampo ang bumagsak sa obstacle course at kasalukuyang hingal na hingal at pawisan ang mga estudyante niya na nakasalampak sa damuhan. Kabilang si Dimitri na nakikita niyang nakangiti habang pinanonood si Emerald. Nag chi-cheer din ito.

Sa loob ng may kulang isang linggo ng pag pasok ni Emerald dito sa university. Kahit hindi nila gusto di nila magawang ilayo ang loob ng batang si Emerald kay Dimitri na talagang kasundong kasundo nito. Akala tuloy ng lahat maayos na ang relasyon ng angkan nila. Kaya naman kinakausap at hindi na nilalayuan ng lahat si Dimitri na hinayaan nalang nila. Sa kasalukuyan naman nanatili parin ang imbestigasyon sa mga impormasyong ibinigay ni Dimitri sa kanila. Isa sa importanteng impormasyon ay ang kinaroroonan ni Señor Thomas Montenegro na masusing minamatyagan at pinag plaplanuhan ng pasukin.

"Grabe ang galing ni Emerald mukang matatapos nya ang obstacle course!" Manghang sabi ni Kylie.

Sa isang karaniwang twelve years old na clone vampire sobrang impressive talaga na magawa nitong lagpasan ang obstacle course na para sa mga collage student na. Ang tanging nakakagawa lang ng ganito sa napaka batang edad ay isang gifted na bampira or warewolves o kaya'y isang Royal blood. Hindi naman kasi basta basta ang obstacle course na inihanda niya ngayon. Kasing taas ng tatlong palapag na building ang mga kailangan talunin at kasing bigat ng isang malaking truck ang mga kailangan buhatin at madami pang iba.

"Ito ang katunayan na si Emerald ay talagang clone vampire ni Lady Kristen Vladimir" proud na proud na sabi ni Trixie.

Nagniningning naman ang mga mata niyang nakatingin kay Emerald at sa loob loob niya sobrang proud din talaga siya sa kanyang clone vampire. Nitong mga nakaraang araw nakikitaan talaga nila si Emerald ng pagiging advance nito sa mga batang bampira. Mukang kayang kaya na din nitong ipagtanggol ang sarili. Pero kahit ganoon mahigpit padin ang pagbabantay niya dito. Iniisip kasi niya na baka dahil sa napapainom na niya si Emerald ng kaniyang dugo kaya lumalakas ito at maaring hindi pa talaga ito stable dahil nanatili pading itong bata.

"Wow!"

"Wooooooooo!"

"Niceeeeeee!"

Sigaw at palakpakan ng lahat ng matapos ni Emerald sa loob ng thirty minutes ang obstacle course. Lahat ay pawang manghang mangha na nakatingin dito. Pawisan at hingal na hingal ito pero masiglang nakangiti padin na tumatakbo palapit sa kanila.

"So what yah think Master?!" Cute na tanong agad sa kanya ni Emerald ng makalapit na ito sa kanila.

"Your amazing and I'm so proud of you!" Tugon niya na gigil na niyakap at kinarga ito saka hinalikan sa pisngi kahit pa naliligo na ito ng sariling pawis. Humagikgik naman ito sa ginawa niya.

Sa mahikling panahon naging sobrang malapit na sa kanya si Emerald, hindi siya nahirapang kuhanin ang loob nito. Ngayon nga hindi na ito maihiwalay sa kanya gusto nitong palagi siyang kasama kahit sa pagtulog gusto nitong magkatabi sila.

"Ang galing galing mo Emerald manang mana ka saken!" Sabi naman ni Jethro na kinontra agad ni Tristan.

"Sakin yan nagmana hindi sayo uy!"

"Maglubay nga kayong dalawa sa akin nagmana si Emerald!" sabi ni Kylie na gigil na pinisil pa ng bahagya ang pisngi ni Emerald.

"Wag na po kayo mag away kasi sa inyo ako nagmanang lahat! Strong and pretty!!!" Sabi ni Emerald na cute na naka ngiti.

"Awwwww!" Sabay sabay naman na sabi ni Tristan, Kylie at Jethro na gustong kuhanin sa kanya si Emerald pero ayaw niyang ibigay.

"If the elders are watching us right now sigurado na sobrang na impress nadin sila sayo baby Emerald. You're undeniably gifted!" Nakangiting sabi ni Trixie na sinangayunan agad ni Kylie.

You're Only MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon