Señor Thomas Montenegro

2.6K 130 16
                                    


Ikalimang araw nya na sa poder ng mga bampira at warewolves na naging kaibigan nya na maliban sa pinuno ng mga ito na si Kristen. Na walang ibang ginawa kundi ang punahin siya sa mga pagkakamali nya. Madami itong mga aklat na pinababasa sa kanya at kapag hindi siya nito nakikitang nagbabasa tinatanong siya nito at pag hindi nya ito nasagot ng tama saka siya nito paliliguan ng sermon.

Sabado ngayon at alas dyes na ng umaga walang pasok kaya naman heto sila sa living room ng weird na rest house ng mga ito na hindi niya magawang akyatin pero nagagawa niyang talunin pababa. Abala ang mga kaibigan ni Kristen na mag huntahan, nag lalaro ang mga ito ng baraha habang ang kawawang siya nagbabasa. Pinababasa sa kanya ni Kristen ang aklat tungkol sa mga bampira, kung ano ang kakayahan ng mga ito at kung paano ito dapat mabuhay, kung sino sino ang mga naging pinuno at kung ano ang mga nagawa nila sa mundo. Interesting para sa kanya ang aklat kaya lang napaka kapal ng aklat na isang dangkal at kalahati yata ang kapal. Kanina pa siya nag babasa at gusto niya ng magpahinga. Saka gusto niya sana ding makisali kila Kylie sa paglalaro ng baraha pero sigurado na hindi siya papayagan ng bruhang si Kristen na abala naman sa harap ng computer nito. Napansin niya na madalang itong makipag usap sa mga kasama nito at napaka hard working nito, seryoso ito palagi at madalang niya itong makitang ngumiti.

"Matanda na kasi" bulong niya habang nakatingin dito nagulat siya ng mag angat ito ng tingin at tumingin sa kanya na kunot ang noo. Mabilis naman siyang nag yuko ng ulo at kunyaring nag babasa.

Hindi na niya na napigilang maghigab habang nagbabasa, bored na talaga sya wala ng pumapasok sa isip niya kahit pilitin nya pang magbasa. Dudukdok na sana sya para matulog sandali ng napansin nya ang mga langgam na tumutulay sa mesa nya napangiti siya habang pinagmamasdan ang mga iyon at saka wala sa loob na binibilang ang mga ito ng isa isa.

14, 15, 16, 17, 18, 19 ... Mahinang bilang nya sa mga langgam.

Blaaag!

Gulat na napatingin siya sa aklat na ibinagsak ni Kristen sa mesa nya us usual nakakunot na naman ang noo nito.

"Mukang tapos ka ng magbasa Emerald kaya may oras ka na ngayong mag aksaya ng panahon para mag bilang ng langgam ha, kung ganon sagutin mo ang tanong ko."

"Kailan nag umpisang namuno si Lord Bennedict Vladimir?

Kakamot kamot ng ulong hindi niya malaman ang isasagot dito ang totoo nyan nabasa nya na ang tungkol doon pero hindi kasi siya magaling mag memorize ng date. Kainis bakit ba kasi na huli na naman sya ng masungit na bampirang toh?! Binigyan nalang niya ito ng ngiti o mas tamang sabihing ngiwi ng di siya makasagot nakita niya na kumulimlim ang muka nito tanda ng bagyong paparating.

"Ganyan ka ba talaga Emerald himbis na magbasa ka inuuna mo pa yang pagbibilang mo ng langgam at saka ilang araw mo na yang binabasa hindi parin yan pumapasok sa ulo mo. Tangina! may utak ka ba talaga o wala? O kung meron man baka naman walang laman yan?!"

Nakagat niya ang ibabang labi sa tinuran nito upang pigilang maiyak pero hindi siya nag tagumpay na gawin iyon. Narandaman niya ang luhang pinipigilan na nag unahang naglandas sa pisngi niya at mukang napansin iyon ni Kristen dahil sa paghikbi niya. Tumigil ito sa pagsesermon sa kanya at saka walang lingong tumalikod at pumasok ng silid nito nilapitan naman siya ng mga kaibigan nito para aluin.

"Tahan na napaka iyakin mo naman" sabi sa kanya ni Trixie.

"Ang sama nya wala syang puso ang sakit nya magsalita" sabi niya sa pagitan ng paghikbi.

"Masanay kana Emerald ganyan talaga si Kristen mag salita kahit sa mga elder, magulang niya lang ang alam niyang galangin."

You're Only MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon