Sino sya?

1.9K 123 75
                                    


Wala pang isang oras ang naging byahe nila ng marating nila ang isang pangkaraniwang bahay na isa palang hideout. Malayo iyon sa ibang bahay at malapit sa kagubatan, pito ang kasama niya ngayon si Kylie, Jethro at lima pang Warriors na may magagandang records. Personal na pinili niya ang lima upang masigurong mag tatagumpay sila ngayon.

"Focus guys! This time hindi na tayo dapat matakasan ni Señor Montenegro!" Mando niya sa mga kasama.

"Yes lady Kristen!" Duet na tugon naman ng mga ito.

Silang dalawa ni Kylie ang mag aabang sa likod bahay sa labas ng isang maliit na yungib habang sila Jethro naman ang papasok sa loob. Nasabi sa kanila ni Dimitri na ang bahay na iyon ay may lagusan palabas sa isang yungib. Lahat pala ng hideout ni Señor Montenegro ay may ganitong lagusan kaya pala hindi nila ito mahuli.

Pamaya maya pa pumasok na sila Jethro sa loob ng bahay at sila naman ni Kylie ay naka kubling nag aabang sa labas ng yungib, lahat sila ay alerto at handa sa magiging madugo na namang labanan.

Mula sa kanyang pinagtataguan dinig na dinig niya ang nagiging labanan ng mga kasama nila sa mga bantay sa loob ng bahay. Nabanggit din sa kanila ni Dimitri na may pitong bantay ang Señor na palagi nitong kasama. Kaya naman alam nila na walo ang bilang ng tao na nasa loob kabilang ang Señor.

Ilang saglit pa may narinig na sila ni Kylie na tunog ng yabag ng paa na nanggagaling sa yungib at voila!

Kitang kita nga nila ang Señor na lumabas galing doon may kasama itong isang lalaki na malaki ang pangangatawan, para itong wrestler sa laki ng katawan. Pero hindi iyong naging hadlang upang mapangiti siya at walang takot na mabilis pa sa kidlat na tinalon niya ang kasama ng Señor at binali na parang kahoy ang leeg nito. Sa isang iglap lang bumagsak sa lupa ang malaking lalaki, gulat na gulat naman ang Señor sa bilis ng mga pangyayari. Weak!

"Magandang umaga Señor Montenegro! Kamusta kayo?" Bati niya dito na may kalakip na ngiti. Totoong masaya siyang makita ito dahil sa tagal na panahon na tinutugis niya ito ngayon lang talaga niya ito nahuli.

Kaya sisiguraduhin niya na hindi ito makakatakas!

"Kristen" Walang emosyon ang mukang sambit ng may idad ng Señor sa kanyang pangalan. Batid niyang malakas ito kahit pa sabihing kaidad na ito ng kanyang ama. Isa itong royal pure blood warewolves kaya hindi niya ito minamaliit.

Ilang segundong nagkatitigan sila ng Señor bago naging kulay pula ang mata niya at kulay ginto naman ang mata nito. At sa isang iglap mabilis na sinugod na nila ang isat isa at nag palitan ng pag atake. Sa bawat sipa at suntok na natatanggap niya dito dama niya ang lakas nito na hindi biro kaya naman tumulong na din si Kylie sa kanya ng mapansing parang dehado siya. Mas naging alerto naman ang Señor sa pag depensa nito dahil sa pagtulong ni Kylie pero hindi na nito naiiwasan ang ilang sipa niya na tumatama na dito. Pero kahit na tumatama na ang ilang sipa at suntok niya dito para naman itong hindi nasasaktan.

Damn! Kailangan kong gumawa ng paraan!  Isip isip niya.

"Papa Thomas!" Hiyaw ng isang pamilyar na tinig habang nasa gitna sila ng mainit na labanan.

Tinig na napansin niyang gumambala sa matinding focus ng Señor sa depensa nito. Tinig na nagawang lingunin ng Señor kahit na nasa gitna ito ng pakikipaglaban sa kanila. Doon nakitaan niya ito ng malaking butas sa depensa na sinamantala niya agad. Mabilis na dumampot siya ng matulis na kahoy at inatake ang Señor na ngayon ay nakatingin sa maliit na batang walang iba kundi si Amity. Mula sa gilid ng kanyang mata napansin niya ang nanlalaking mata ni Amity habang papaliit ng papaliit ang distansya ng hawak niyang matulis na kahoy sa dibdib ng Señor.

"Papa Thomas!!!" Malakas nitong hiyaw kasabay ng pagtarak ng hawak niyang kahoy sa dibdib ng Señor.

Napaluhod agad ito sa natamong sugat mula sa kanya bumulwak pa sa bibig nito ang mapula nitong dugo. Napaismid lang siya habang nagdidiwang sa pagkakagapi niya dito. Akmang sisipain pa sana niya ang kahoy na nakatarak sa dibdib nito upang bumaon pa iyon ng mabuti pero biglang sumulpot si Amity sa harap niya.

You're Only MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon