Wild Vampires

584 51 6
                                    


Bumalik na ulit sila Trixie, Jethro at Kylie sa dati nilang mga gawain ang maging guro sa KV University. Actually hindi naman na nila ito kailangan pang gawin pero para mabantayan si Amity nanatili padin ang mga ito doon. Habang silang dalawa naman ni Tristan ang siyang nag aasikaso sa trabaho ng kanyang ama sa Vampwolve town. Ginawa niyang secretary niya si Tristan kaya kasama niya palagi ito.

Pumapasok na nga ulit ng paaralan si Amity nag desisyon siyang papasukin ulit ito upang mas malibang ito.

"Sigurado ka ba talaga na papapasukin mo si Amity ng school? Hindi ba masyadong delikado?" Tanong sa kanya ni Kylie na nagpakita na sa kanila kahit pa sinabi na niya ditong mag bakasyon pa ito ng kahit dalawampung taon. Pinag babakasyon talaga niya ito ng matagal dahil na rin sa guilty din siya sa sinapit nito sa kamay ng impostor na Emerald.

"Kailangan ni Amity ng new environment at ng mga bagong makakausap. Sigurado akong mabuti yun para sa kanya. Saka tiwala naman ako sa kakayahan nyong tatlo alam kong hindi nyo pababayaan na may mangyaring hindi maganda" Pang e-encourage dito na sabi niya.

"Hindi naman talaga namin pababayaan si Amity pero natatakot din kami dahil paano nalang kung.." Sabi naman ni Trixie.

"Sshhh huwag negative Trixie. Basta tawagan nyo lang ako agad pag may nangyaring hindi maganda, dadating ako" Putol niya sa sasabihin pa ni Trixie.

Nitong mga nag daang araw pinili nalang niyang maging positibo palagi dahil baka kung sakaling ganoon siyang mag isip ay magiging palaging positibo ang mangyari sa paligid niya.Tulad ng hindi na matutuloy pang maging wild vampire si Amity. Ilang araw na din kasi siyang naghahanap ng kahit isang kaso ng wild vampire or warewolves na bumalik sa normal na pag iisip pero wala talaga siyang mahanap na ganoon. Nabasa na niya halos lahat ng mga libro nila na hindi pa niya nababasa pero wala talaga. Sinusuplayan din niya ito palagi ng kanyang dugo sa pag babakasakaling maka gamot iyon dito pero wala din iyong epekto. Kaya naman para silang may bombang kinatatakutang ano mang oras ay pwedeng sumabog. Pero nitong mga nagdaang araw nga ay hindi naman nila kinakitaan si Amity ng ano mang sintomas na neglected ito. At dahil doon positibo siya na baka gumagaling na ito kahit wala silang gawin.

Ilang araw pa nga ang nagdaan na parang bumalik na talaga sa normal ang lahat. Wala na silang gaanong problemang hinaharap dahil narin sa nakakulong na nga si Dimitri at tahimik na namumuhay naman si Señor Montenegro. Hinahanap nalang nila ngayon ang ilang mga tauhan ng mga nito.

"Ang aga mo na naman Lady Kristen araw araw lalo kang nagiging maagang pumunta dito hah" tukso sa kanya ni Kylie.

Si Jethro at si Kylie ang naabutan niya ngayong nakabantay kay Amity mula sa malayo. Si Trixie kasi ay may tinuturuang mga estudyante ngayon. Kasalukuyang kumakain naman ngayon ang dalawa habang nakaupo sa isang bench at simpleng tinatanaw si Amity sa loob ng isang gym kasama ang mga bago nitong kaibigan. Hindi alam ni Amity na binabantayan nila ito lalong hindi nito alam ang kundisyon nito ngayon.

"Kamusta naman kaya si Tristan siguro sobrang busy nun" Sabi naman ni Jethro na halatang pinariringgan siya.

Dahil narin sa pagiging mabait niya sa mga ito nitong nagdaang araw kaya naman malakas ang loob ng ang mga ito na okrayin siya.

"Mukang concern ka kay Tristan, Jeth gusto mo bang magpalit kayo ng pwesto? Pwede naman yun" Tugon lang niya na naka kay Amity ang buong atensyon.

Ganito na nga ang gawain niya araw araw. Maaga niyang tinatapos ang mga trabaho niya sa opisina ng ama upang maaga siyang makapunta dito sa University.

"Good morning ma'am, sir!" Bati ni Amity kay Kylie at Jethro ng mag labasan na ang mga ito ng gym at nadaanan ang pwesto nila.

Hindi siya binati nito dahil narin sa ng makita niya itong palabas mabilis siyang nag tago upang hindi siya makita nito.

You're Only MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon