CHAPTER 34: HOSPITAL [3]

Magsimula sa umpisa
                                    

"QUEEN PLEASE FORGIVE ME, PATAWARIN MO KO, QUEEN" Puro sigaw nya ang naririnig sa buong pasilyo habang hinihila sya ng mga tauhan ko papuntang basement. I don't give second chance to traitors

"Humanda kayo sa panibago nyong buhay sa kulungan" bulong ko habang nakangiti ng malademonyo.

DAHAN-dahan akong naglakad papuntang pinto, pasimple akong sumilip. Tulog pa sila Ryn at Rose. Wala naman yung mga lalaki. Paliiim akong ngumiti, Yes! Wala sila!

Nakayuko akong pumasok sa loob hehehe natigilan ako ng may nakita akong sapatos dahan-dahan umakyat ang paningin ko papuntang tuhod, sa umbok nito ilang beses ako napalunok ng dumapo na ang tingin ko sa adams apple nito at para nga naman akong pinagsakluban ng langit at lupa ng tuluyan ko nang makita ang mukha nito. Walang iba kundi si Danger lang naman. I'm doomed!

"Hi hehehe?" Alanganin kong sambit habang awkward na kumaway sa kanya. Kita kong napangiwi sya sa inasta ko at tinapunan ako ng masasamang tingin. Ano nang gagawin ko?

Nakanguso lang ako mula kanina habang nakaupo dito sa hospital bed. Habang busy naman yung mga doctor sa paglagay ng cast sa paa at kamay ko, habang yung ibang nurse ay tinitingnan ang kalagayan ko. Tss, napaka OA talaga. Sabi nang ayos lang ako eh. Nagtawag pa talaga sya ng napakaraming doctor tsk. Hindi ako makatingin ng daretso kay Danger kasi tuwing mag-aangat ako ng tingin sa kanya ay ansama ng tingin nya sakin kaya ngumuso nalang ako.

Nang matapos ang mga doctor agad akong humiga at nagtalukbong ng kumot kasi naman alam kong bubungangaan na naman ako nito. Kaya niready ko na ang tenga ko pero nagulat ako ng bumuntong hininga lang sya at yumakap sakin.

Humarap ako sa kanya at tiningnan sya, nilagay ko ang likod ng palad ko sa noo nya para tingnan kung mainit ba sya "Wala ka namang sakit ah?.." bulong ko na mukhang narinig nya dahil sinamaan nya ulit ako mg tingin agad ko namang tinikom ang bibig ko at awkward na ngumiti at nagpeace sign sa kanya. Sabi ko nga dapat tumahimik nalang ako. Mataman nya akong tinitigan at talaga namang nakakailang iyon pero nilabanan ko ang tingin nya. Ayoko ngang malaman nya na naiilang ako sa kanya baka lumaki na naman ulo nito.

"Gusto mo bang mag-ikot-ikot muna sa labas?" Nakangiti na sya kaya di ko maiwasang magtaka. May sanib ba sya ngayon kaya ambait nya at hindi nya ko binubungangaan simula kanina?

Wala sa sariling napatango na lang ako. Muli nya akong binigyan ng matamis na ngiti tsaka sya lumabas para kumuha ng wheelchair. Napakunot ang noo ko, bakit ganun ang ikinikilos nya? May nangyari ba habang wala ako?

Sa sobrang lalim ng isip ko di ko namalayan na nasa tabi ko na pala ulit si Danger, bumalik lang ako sa katinuan ng maramdaman kong binuhat nya ko pasakay sa wheelchair.

"Nagugutom ka na ba?" Malambing nyang tanong napatingala ako sa kanya at dahan-dahang tumango. Ngumiti naman sya at tinulak ako ng marahan hanggang sa makarating kami sa canteen ng ospital. Bumili lang sya ng pagkain at inumin tsaka muli nya akong tinulak.

Sa garden ng ospital nya ako dinala, napangiti ako dahil bukod sa tahimik dito at maganda ang lugar sariwa pa ang hangin at talagang makakapagrelax ka.

Umupo sya sa bench habang ako ay nasa tabi nya. Tahimik kong kinain yung pagkain ko habang nakatingin sa kanya. Maya-maya ay ngumiti sya tsaka daretsong tumingin sa mga mata ko.

"Alam mo bang sobra akong natakot ng makitang wala kang malay at isusugod ka sa emergency room?" Pagsasalita nya. Nanatili namang tikom ang bibig ko. Diko kasi alam ang isasagot ko

"Alam mo ren ba kung gaano ako nag-alala kanina ng paggising ko wala ka sa tabi ko?" Napayuko ako. Nagi-guilty ako pero anong magagawa ko? Kailangan kong gawin iyon. "Alam ko namang hindi lhat ng bagay dapat ay sabihin mo sakin dahil boyfriend mo lang ako pero... di ko kasi maiwasang matakot at mag-alala sayo pagbigla-bigla ka nalang nawawala ng walang pasabi" Ngumiti sya sakin pero di yon umabot sa mga mata nya. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko  dahil dun

"Alam ko reng hindi mo naman gagawin iyon kung hindi importante ang pupuntahan mo pero pwede bang sa susunod sasabihan mo naman ako? Maiintindihan ko naman ang dahilan mo eh. Kahit ano pa yan" Malungkot syang ngumiti pero yung mga mata nyang nakatingin sakin kita kong seryoso sya sa mga sinasabi nya.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Nakaramdam ako ng kaba. Hindi dahil sa seryoso sya kundi dahil sa mga sinabi nya pakiramdam ko may alam na sya. Alam na ba nya ang tunay kong katauhan? May nalalaman na ba sya tungkol sakin? Pero paano?

***

If you like the story please don't forget to vote😊😄 I'm still waiting for your feedback guys

That Cold Nerd Is The Gangster Queen [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon