CHAPTER 43

185 6 0
                                    

                                Chapter 43
                     Rynchelle Lane Heartly

"Sa storage room dinala si Rose" Napalingon ako kay Ash ng magsalita ito.

"Kailangan na nating kumilos. Kailangan makuha na natin si Rose sa kanila, bago pa nila dalhin dito si Queen" Tumango ang dalawa bilang pagsang-ayon. Maraming tao at maingay dito sa loob ng Arena. Malamang di naman nila mapapansin kapag sinugod namin ang storage room dahil nasa likod naman ito. Nasa Grand Stage si Megan at ilan sa mga tauhan nito, malamang hindi nila kami nakita dahil pumuslit lang kami papasok. Dahil hindi kami makakakilos kapag nakita nila kami dito.

Aalis na dapat kami ng biglang bumukas ang gate, natahimik ang lahat ng bumungad sa amin si Hell nakakadena ang kamay niya sa likod, puno ren siya ng pasa at sugat at naliligo sa sariling dugo. Tang*na, fuck rinig ko ang gigil na mura ng dalawa maski ako ay sobrang nagagalit dahil sa ginawa nila kay Hell. Agad napatayo ang dalawa ng hinagis nila si Hell sa Grand Stage at kitang-kita mula dito na namilipit sa sakit si Hell. Susugod na sa sobrang galit sila Ash at Xyra ngunit natigilan sila ng pigilan ko sila

"Hindi pa ito ang tamang oras! Mas lalo lang natin ipapahamak si Hell kapag nangialam tayo agad" sabay silang napaiwas ng tingin at bumalik sa pagkakaupo. Maging ako ay napayuko nalang at tahimik na nagdasal na sana lumaban si Hell, na sana kahit ngayon lang isipin niya muna ang sarili niya.  Nag-uusap ang dalawa sa Grand Stage napapikit ako ng mariin dahil sa galit ng tinuhod ni Megan sa mukha si Hell.

Yumuko ako muli para kunin ang dala kong rifle. Inayos ko ito, hindi naman kami mapapansin ng ibang gangs dahil nasa sulok at madilim na parte kami. Inayos ko ito at itinapat kay Megan.

"Ryn! Anong binabalak mo?!"

"Hindi pede iyang gagawin mo! Baka mas lalong mapahamak si Queen!" Sabay na sigaw nung dalawa. Sinamaan ko sila ng tingin nung humarang sila sa harapan.

"Wala na tayong ibang choice! Kailangan na nating makialam, gusto niyo bang hayaan na mamatay si Hell?" Sigaw ko ren pabalik kaya natigilan sila, muli silang lumingon sa Stage, nakayuko si Hell habang nakatapat naman sa bandang leeg niya ang katana ni Megan.

"P-pero alam mo naman kung anong mangyayare kapag nakialam ka sa ayaw sa stage diba?" Ilang beses akong napatango, huminga muna ako ng malalim bago sila sagutin.

"Patayan... Mahahati sa dalawang grupo ang lahat ng gangsters. Isang grupo na kampi sa Deadly Flowers (Gang nila Megan) at isang grupo na tapat sa gang natin"

"At were not sigurado if many gang will pili us to kampihan" dagdag ni Xyra, muli akong napabuntong hininga. Tama siya, maraming galit sa Hell Royalties at maraming gustong talunin kami kaya hindi na nakapagtataka kung lahat sila ay pumanig kay Megan...

"But still, We shouldn't let Hell die... Hindi siya pedeng mamatay. Dalawa lang ang pagpipilian natin. Ang lumaban para ipagtanggol si Hell o ang hayaan siyang mamatay. And I will not think twice to choose Hell over my own safety." Sabay silang ngumiti sa akin at tumango

"Tama si Ryn, We should ligtas si Queen, Hell Royalties won't be called Hell Royalties if wala si Queen"

"At ililigtas natin siya maging buhay man natin ang kapalit"

Napangiti ako dahil sa sinabi nila, Tama den sila, walang mabubuong Hell Royalties kung wala si Hell, kailangan siya ng gang namin.. kailangan namin siya... Inilahad ko ang aking palad sa tapat nila, nakangiti naman silang lumapit at inipatong ang tig-isa nilang kamay sa aking palad.

That Cold Nerd Is The Gangster Queen [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon