CHAPTER 27: STAYING TOGETHER [1]

407 24 0
                                    

HELLIANNA'S POV

Nagising ako ng may ngiti sa labi lalo na ng maramdaman ko ang mahigpit nyang yakap sa akin. Na para bang ayaw na nya akong pakawalan pa. Tumagilid ako para makita ang mukha nya. Ang gwapo nya pagtulog. Paggising kasi sya kala mo bakla kung kumilos hahaha!

Hinawakan ko ang pisnge nya paakyat sa buhok nya na sinuklay-suklay ko gamit ang mga daliri ko tsaka ko na pagdesisyonan na tumayo na. Tanggalin ko na sana ang kamay nya sa beywang ko ng lalo nya pa itong hinigpitan napalingon ako sa kanya at nakita ko syang papikit pikit pa dahil siguro sa antok.

"Where are you going?" Inaantok nyang sabi papikit pikit at pilit idinidiin ang sarili sakin

"Matulog ka pa. Magluluto lang ako" bababa na sana ako mg kama ng lalo nyang hinigpitan ang kapit sakin. "Danger!" Nananaway kong saad, Nakanguso naman nya akong pinakawalan at bumubulong bulong. Natatawa at Iiling-iling akong pumunta sa kusina para magluto.

Dumaretso ako sa ref at kumuha ng itlog tsaka hotdog tapos ay nagsimula na ko magluto at magsangag. Omelet rice ang ginawa ko, malapit na ko matapos ng maramdaman kong may kamay na yumakap sakin mula sa likuran at naamoy ko ang makamandag na pabango ni Danger. Hinilig ko ang ulo ko sa dibdib nya, sinisiksik naman nya yung ulo nya sa leeg ko.

"Alis" nakita ko ang pagnguso nya, natatawa naman akong napailing. Gustohin ko mang lingunin sya ay di ko magawa dahil malamang paglingon ko ay ang labi nya ang sumalubong sakin.

"Let's just stay like this" naglalambing nyang sabi

"Eat" Ewan. Basta ang alam ko lang ay natatamad akong magsalita. Kumunot ang noo nya pero di paren umalis sa likod ko

"Five minutes"

"No"

"Four minutes"

"I said no"

"Three minutes?"

"No, no, no"

"Two minutes?" Nagmamakaawa ang boses nya Kaya napabuntong hininga nalang ako at walang nagawa kundi pumayag. Lalo na naman nya tuloy isiniksik yung mukha nya sa leeg ko, inamoy amoy nya pa ito "Ambango mo talaga" mahina kong tinulak ang mukha papalayo sakin at bahagyang lumayo sa kanya

Naglakad na ko at naupo sa dining chair. Taas kilay ko syang tiningnan nung nakita kong ansama ng tingin nya sakin.

"Ano ang tinitingin-tingin mo dyan? Kanina pa tapos 2 minutes mo" Lalo tuloy syang ngumuso at padabog na umupo sa upuan kaya napairap nalang ako bakla talaga tss.

Pagkatapos namin kumain ay agad ko tong hinugasan. Nang matapos ako sa paghuhugas nagpunas muna ako ng kamay at kinuha yung wallet ko sa ibabaw ng ref.

"San ka pupunta?" Tanong ni Danger ng makadaan ako sa sala para lumabas

"Bibili. Ubos na pala stock ko sa ref"

"Sama" agad syang tumayo at nagmamadaling lumapit sakin, hinawakan nya ko sa beywang at hinila. Kunot noo kong tinapik yung kamay nya na nasa bewang ko at na-unang maglakad papalabas.

Nakanguso na naman syang sumunod sakin "Bakit mo tinanggal ang pagkakaakbay ko sayo?" Lukot na lukot yung mukha. Tss.

"I don't like chessy stuff, tsk"

"Ang sabihin mo maarte ka lang" bulong bulong niya pero di ko nalang pinansin. Mga baklang tulad nya di na dapat pinapansin baka mapatay ko eh.

That Cold Nerd Is The Gangster Queen [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon