CHAPTER 32: HOSPITAL [1]

324 12 0
                                    

DANGER'S POV

Anlayo pala ng bahay nila sa bahay namin. Ilang oras na rin ang nakalipas pero hanggang ngayon ay nasa byahe parin kami. Di ko alam kung bakit parang may mali. Iba ang feeling ko eh, parang merong mangyayaring masama.

"Uhh kuya Danger? Pede ba tayong bumalik? Naiwan ko phone ko eh. Tatawagan ko si Ate Hell" nakanguso sya kaya natawa ako ang cute nya.

"Gamitin mo nalang phone ko. Anlayo na natin eh"

"Okay!" Nang iabot ko sa kanya yung phone ko agad naman syang nagpipindot tsaka nya tinapat ang cellphone sa tenga nya. Ilang beses nya iyong ginawa, nakakunot ang noo nya at parang kinakabahan

"Bakit Rose? Anong nangyare?" Tanong ni Chris, di lang pala ako ang nakapansin na parangaligaga sya

"Ayaw sumagot ni Ate Hell! Di naman sya ganto eh. Dati pagtumatawag ako wala pang limang ring sumasagot nya agad"

"Baka naman busy lang? Try mong tawagan sila Ryn" tumango sya at ginawa ang sinabi ko ngunit makalipas ang ilang segundo Wala pareng sumasagot

"Ayaw din nila sumagot. Kuya Danger! Please balik tayo. Baka may kung anong nangyare sa kanila" Para na syang naiiyak Kaya tinigil ko yung sasakyan at sinenyasan si Chris. Tumango sya at lumipat sa backseat agad nyang niyakap si Rose. Humagulgol naman ito.

"Rose tama na, okay lang ang lahat. Sige babalik na tayo dun. Wag ka nang mag-alala" pag-aalo sa kanya ni Chris. Nagturn-over na ko at nagdrive ngunit natigilan ako ng pinahinto nya ang sasakyan. Nagtataka kaming napatingin sa kanya

"Kuya, a-ako na magda-drive"

"Hindi na ako nalang"

"Kuya please. Kailangan nating bilisan" humihikbi sya Kaya wala akong nagawa kundi ang lumabas ng driver seat. Nakalock yung sa passenger seat, kaya sa backseat ako umupo. Pinunasan nya ang luha nya bago sya nagdrive at TANG*NA ANG BILIS!!!

"WHAAAA! ROSE DAHAN-DAHAN LANG" sigaw ni Chris habang sobra Kung makakapit sakin dinaig pa tuko

"SAN KA NATUTO NYAN? AHHHH!!! BAGALAN MO NAMAN!!"

"AYOKO PANG MAMATAY!" Ilang minuto ang lumipas na puro sigawan naming dalawa ang maririnig sa kotse. Nagulat ako ng mapansing nasa mansion na agad kami. Nahihilo akong bumaba at sumuka sa gilid.

"A-akala ko mamamatay na ko kanina" Parang lasing sabi ni Chris. Di ako makapagsalita dahil parang nagkarambol-rambol yung laman loob ko pucha!

"AHHHH!!!" Gulat kaming nagkatinginan ni Chris ng sumigaw si Rose agad kaming tumakbo papasok at nagulat sa nakita. Naabutan namin syang yakap-yakap ang katawan ni Ryn na walang malay. Duguan silang tatlo.

"What the...hell?" Di makapaniwalang bulong ko

"Anong nangyare dito?" Tiningnan ko si Chris

"Kita mong sabay lang tayo nakarating dito tapos tatanungin mo ko. Dali tawagan mo sila Jerick at tumawag ka na ren ng ambulansya" tumakbo ako papunta sa tatlo

Wala silang malay lahat. Nanginginig ang kamay ni Rose habang nakatingin sa sinapit nung tatlo. Taena sabi na nga ba parang may mali eh!

***

Nasa hospital na kami si Rose umiiyak paren sya. Nakayakap sa kanya si Chris. Maya-maya dumating na yung tatlo

"Anong nangyare nasan sila?"

That Cold Nerd Is The Gangster Queen [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon