26

28.5K 748 42
                                    


HAPON na halos nang magising si Romano. Si Troy na matapos mapagod sa paglalaro at pamamasyal ay ayaw tumahan sa pag-iyak at hinahanap ang ina. Kinuha nito ang anak mula sa yaya at kinarga subalit ayaw tumigil sa pag-iyak ang bata.

"Hush, darling," alo nito sa bata at hinagkan sa noo. Nilingon ang yaya. "Bakit ba ito umiiyak?"

"Hinahanap po si Ma'am, Sir..."Nagsalubong ang mga kilay ni Romano. "Bakit, nasaan si Bobbie?"

"Ipinahatid ko sa Maynila kaninang madaling-araw," ani Emerald na bumaba dahil narinig ang apo.

"Mom!" bulalas ni Romano. Ibinigay ang bata sa yaya na lalong lumakas ang iyak.

"Ilabas mo muna ang bata, Lucing," utos ni Emerald. Pagkatapos ay binalingan ang anak na tumingala at inihilamos ang kamay sa mukha. "Iyon naman ang gusto mo, 'di ba? Ang maiwan dito si Troy at paalisin ngayong umaga si Bobbie. Sinabi mo sa kanya iyan dahil hindi mo gustong makinig sa paliwanag niya. I'm ashamed of you, Romano. You only want your wife in your bed and—"

"Mommy, that's not true!"

"Buhay mo iyan, Romano, bahala ka. Pinaalalahanan ka namin ng daddy mo nang sabihin mong mag-aasawa ka na. Ang sabi mo'y kaya mo. So take all the consequences."

"What did she tell you?"

"There was a third party involve."

He frowned. Sino? Sinabi ni Bobbie na magkaibigan lang ito at si Steven. "Is it Quidd?" nagtatagis ang bagang nitong tanong."Mali yatang pangalan ang narinig ko mula sa asawa mo," ani Emerald na tumaas ang kilay. "Unless she's Joanna Quidd."

Kristine 15 -Romano 2 (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon