27

47.8K 1.3K 354
                                    


"HEY, NAKAKAISTORBO ka!" sigaw ng occupant sa kabilang unit na sumungaw sa pinto nang walang hintong katukin nang malakas ni Romano ang pinto ng unit ni Bobbie."Damn you!" ganting singhal niya rito. "If you want a fight, at my mood now I could probably kill you."

Nakita siguro ng matandang lalaki ang hindi nagbibirong anyo ni Romano ay mabilis itong nagsara ng pinto. Si Romano ay patuloy sa pagkatok at pagdiin sa door chime. Hawak niya ang susi na hiningi sa administrador ng building. Kaninang umaga pa siya kumakatok at nang walang sumasagot ay umalis siya at pinuntahan si Quidd upang hanapin dito si Bobbie. Subalit ni hindi alam ni Steven na nakabalik na pala ito mula sa isla. Nakailang dial na siya subalit busy tone ang laging naririnig sa linya.

Alam niyang may tao sa unit dahil naka-lock sa loob. Idagdag pa ang tila musikang naririnig niya na hindi nakapag-alis sa kaba sa dibdib niya.

Muli siyang bumaba at makalipas ang ilang minuto'y may dalawang tao na siyang kasama. Maintenance men. Dinidistrungka ang pinto upang mabuksan ang loob.

"Thank you," ani Romano nang mabuksan ang pinto. Muli niyang isinara ang pintong butas na. Lumakas nang bahagya sa pandinig niya ang musika na nanggagaling sa silid ni Bobbie. Sa malalaking hakbang ay tinungo niya ang silid ng asawa. Pabalyang binuksan ang pinto at halos mabingi siya sa lakas ng ingay ng component. Iyon ang dahilan kung bakit hindi marinig ang katok sa pinto. Sinadya ni Bobbie na gawin iyon. And the phone was off the hook.

"Bobbie!"

Si Bobbie ay nasa gitna ng kama at nakatitig lang sa kisame. A flicker of surprise showed her eyes nang makita si Romano.

Marahas na hinablot ni Romano sa saksakan ang kordon nang hindi malaman kung paano hihinaan ang component. At saka nilapitan si Bobbie at mahigpit na inangat sa pagkakahiga at niyakap.

"Oh, god, ano ang ginagawa mo?" Ilang sandaling niyakap ang asawa at pagkuwa'y muling inihiga. Nagpalinga-linga, baka may ininom ito. Pagkatapos ay hinahanapan ng kung anong sugat ang katawan. Small relief filled his chest nang makitang wala kahit na anong palatandaang nagtangkang mag-suicide si Bobbie.

"R-Romano?"

"Oh, god, sweetheart." muling inangat ang asawa. He was dying inside sa nakikitang anyo nito. Mugto at nangingitim ang mga mata. "What have you been doing?" Panic in his voice. "I'm taking you to the hospital!"

"I'm... all right," she whispered at nagsikap kumawala.

"You are not!"

"Please, I am all right. I promise. Put me down, Romano. Where's Troy?" At pagkabanggit sa pangalan ng anak ay naglabasan ang mga luha sa mga mata niya. Sunod-sunod ang iyak na ginawa.

"Hush, sweetheart, please. You're scaring me. Don't do this, Bobbie, please. You'll get ill kung hindi pa man..." muli nitong dinala sa dibdib ang asawa.

"I am ill!" she said almost in hysterical distress. "I'm losing Troy... and I'm losing you again. And I love you so much that it hurts."

"I know... I know," prantikong wika ni Romano sa nagsisikip na dibdib. Hinahaplos nang sunod-sunod ang likod ng asawa. "And I love you too, sweetheart. Very much. I have never stopped loving you for a minute. You're wrong about Joanna. She was never my lover... never!"

Nag-angat ng mukha si Bobbie. Hinahanap sa mukha ng asawa ang katotohanan. Puno pa rin ng whiskers ang mukha nito. His eyes troubled and he looked older.

"Will you believe me this time, sweetheart?" he begged softly, pain laced his voice. Isang tango ang isinagot ni Bobbie.

"What she told you four years ago were all lies. She had never been my lover though she was very vocal to tell me that she wanted me. She knew about my medical records dahil nakalatag sa mesa ko iyon minsan at nakita niya. Iyon marahil ang narinig mo. At nang sabihin kong sa labas kami kumain ay kasama ang ibang executives. Napagpasiyahang isasama ko siya rito sa Maynila pagkatapos ng management trainee ko.

"Nang sabihin mong nanggaling dito si Joanna noong umaga ay agad ko siyang kinompronta. Inamin niyang kinausap ka niya but without malice. I didn't believe her so I asked her to resign from her job." He was explaining fast na para bang kung hindi nito gagawin iyon ay mawawala ang tsansang magpaliwanag.

Relief and guilt filled her. Subalit gusto niyang linawing lahat. "S-sa office ni... Nathaniel—"

"She asked forgiveness. Pati sa iyo. Pinakiusapan niya akong bigyan ko siya ng official recommendation sa bago niyang employer who is my friend. Kinabukasan nang araw na iyon ay pabalik na siya sa Houston." huminga nang malalim si Romano. "Joanna was a friend, Bobbie. She was very efficient in her job sa kabila ng lahat. At kung parurusahan ko siya'y para akong walang-kuwentang tao."

"Ang...sabi mo'y magkikita kayo roon..."

"Of course, dahil babalik ako roon para sa annual board meeting. Kasama ko kayo ni Troy." Pagkatapos ay hinapit siya nito at mariing hinagkan sa ibabaw ng ulo. And then groaned as he whispered. "Oh god, so help me. I have a very jealous wife."

Isinubsob niya ang mukha sa dibdib ng asawa. "Will you ever forgive me?"

"May kasalanan din akong malaki, sweetheart. Dapat ay noon ko pa ginawang ipasuring muli ang sarili ko nang sabihin mong nagdadalang-tao ka. But you left without any valid reasons so I thought you don't really love me." Itinaas nito ang mukha niya. He forced her to meet his eyes.

"Bilang panganay na lalaki ay matagal nang nasa pangalan ko ang rancho. Bago pa man kita ipahanap. I can't seem to get you out of my system sa nakalipas na mga taon. Ipinasya kong hanapin ka. At kung wala kang commitment ay aluking muli na makisama sa akin. Handang tanggapin ang anak mo. At hindi ko kayang ipaliwanag sa iyo ang hapding naramdaman ko nang makita kitang masuyong nginingitian ni Quidd at pisil pa ang kamay mo. At gusto kong mamatay nang makita kong akin si Troy."

She smiled. Happiness radiating from her lovely face. Then her hands moved upward. Unbuttoned his wet shirt and planted a soft kiss on his dark chest. Romano groaned softly.



WAKAS



********Mukhang matatagalan na naman ako sa pagmo-move on sa dakilang marupok na si Bobbie. :( Parang feeling ko bitin pa rin char hahahaha. Kayo ba ano'ng feeling n'yo? Okay lang naman kung may feelings kayo para sa akin char hahahaha joke lang. Take care always mga beshie. God bless us all. Puwede n'yo rin akong kwentuhan kung nalulungkot kayo char hahahaha pwede n'yo rin ako pag milkteahin hahahaha jokes. -Admin A **********

******Don't forget to leave your comments and suggestions at vote n'yo na rin if ever marami kayong time char hahahaha . Thanks in advance na agad. -Admin A **********

Kristine 15 -Romano 2 (UNEDITED) (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora