8

23.1K 611 16
                                    


DAHIL estudyante at empleyado ay halos walang gaanong panahon si Romano sa kanya. Naiiwan siyang mag-isa sa apartment na ang tanging libangan ay ang baguhing lahat ang interior designs ng apartment nila.

"What is this?" mula sa pinto ay bulalas ni Romano nang makita ang delivery sa apartment.

Sinalubong ng ngiti ni Bobbie ang asawa at agad na yumakap dito subalit inalis ni Romano ang mga kamay niya at pumasok sa loob ng silid at pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawang taong nagpapasok ng mga kasangkapan sa loob. Pagkatapos ay pinapirmahan kay Bobbie ang delivery receipt at umalis na rin.

"Ano ang ibig sabihin nito, Bobbie?" Marahas ang tanong na iyon sa pagkamangha niya.

"M-mga gamit sa... nursery, Romano..."

"Why?" It was spoken softly pero gustong mangilabot ni Bobbie sa galit na nasa mga mata nito.

"S-sooner or later ay magkaka-baby tayo," sagot niya na pilit ngumiti. Nalilito sa inaasal ng asawa. "And I've decorated all the rooms here so I decided to—"

"You should have consulted me about this..." agap nito sa mapanganib na tono. "Hindi iyong basta ka na lang magdesisyon nang hindi ko man lang nalalaman."

"I–I am sorry kung hindi ko binanggit sa iyo ito," marahang sabi niya. "K-kung hindi mo gusto ay maaari nating ipagbiling muli."

Matagal siyang tinitigan nito at saka humugot ng malalim na paghinga. Sumandal sa dingding na tila nahahapo at tumingala sa kisame at mariing ipinikit ang mga mata. Bobbie thought that there was something that pained him. Nilapitan niya ang asawa.

"Romano... are you all right?" Her voice worried.

Mabilis na nagmulat ng mga mata ang lalaki. Kinabig siya sa dibdib nito at mahigpit na niyakap.

"I'm sorry, sweetheart." hinagkan nito ang ibabaw ng ulo niya. "I'm tired. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin. Pagpaumanhinan mo ako."

"Naiintindihan ko," bulong niya rito at isinandal ang mukha sa dibdib ng asawa at yumakap dito. She revelled at his familiar scent.

Pagod si Romano. Puspusang nag-aaral at nagtatrabaho ito. Hindi miminsang beses na sinabi nito sa kanyang gusto nitong mag-retire na si Marco de Silva at ibigay sa mga magulang ang pinapangarap na pagbabalik sa farm upang doon na mamirmihan. Mula sa pagtatagni-tagni niya ng mga kuwento ni Romano tungkol sa pamilya nito, she surmised that Romano's father had always been a farm boy. Na minsan na itong nagretiro subalit muling nagbalik sa negosyo ng pamilya dahil sa pangyayaring hindi nito maiiwasan.

At nariyan pa siya. Hinahati ni Romano ang katawan at panahon sa pag-aaral, pagtatrabaho, at sa kanya. And Romano's still very young para sa ganoong responsibilidad. Lalo na ang pagiging isang ama, kung sakali.

Subalit sa pagkakaalam niya ay lahat ng mga kamag-anak nitong lalaki ay may ganoon ding responsibilidad sa minanang negosyo. Direktang pinamamahalaan ng pamilya ang negosyo ng mga ito.

Nag-alis ng bara sa lalamunan si Romano at tinitigan siya. "Bakit naisip mong i-convert sa nursery ang isang silid?"

Muli'y nagsalubong ang mga kilay niya. Wala na ang galit sa tono nito pero may pakiramdam siyang hindi kaswal ang tanong na iyon. At sa ilalim ng tinig nito ay naroon ang sakit. It could be her imaginations running wild.

"I am an only child, Romano," she answered casually, truthfully. "Gusto kong magkaanak kaagad. At dahil may lahi kayo ng kambal..." she smiled at him. "Hindi imposibleng magkaanak din ako ng kambal. At kung dalawang beses akong magdadalang-tao na parehong kambal..." she shrugged her shoulders happily. "mas magaling. Apat agad ang anak natin. Teka lang, igagawa kita ng kape." Sa huling sinabi'y tumalikod na si Bobbie upang ipaghanda ng kape ang asawa. She didn't notice the pain that crossed his face.

Inaabot niya sa cupboard ang tasa nang yakapin siya nito mula sa likod.

"Ayoko pang magkaanak, sweetheart," bulong nito habang hinahagkan ang batok niya. "I want you for myself for some time."

Natawa siya roon at humarap sa asawa. Naisip niyang mas madadagdagan ang responsibilidad na nakapatong sa balikat ni Romano kung magkakaanak nga naman sila kaagad. She wanted to assure him of something. Subalit ang anumang sasabihin niya'y tinakpan ng mga labi nito. At ang binalak na pagtitimpla ng kape ay tuluyan nang nakalimutan.

Romano made love to her in the kitchen sink fully clothed. And it was as exciting as always. Making love with her husband was a soul-shattering experience. Madalian man iyon tulad ng ginagawa nila ngayon, was as arousing in a different ways as hours spent in exploring each others body in bed. 

Kristine 15 -Romano 2 (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now