15

30.7K 886 217
                                    


HINDI siya mapalagay. Alam niyang darating si Romano ano mang araw o oras kung totoo ang sinasabi ni Joanna. Dahil walang dahilan kung bakit ito magsisinungaling. Kasabay niyon ay ang kaba. Ano ang iniisip ni Romano para kay Troy? Would he take him away from her?

She closed her eyes. Hindi niya gustong isipin iyon. Romano's family was so influential. Magagawa nito ang gustong gawin.

Nang mag-echo ang musika mula sa door chime bandang alas-tres y media ay napaigtad si Bobbie. Binuksan niya ang pinto.

"Hello, Bobbie."

"Romano..." she uttered his name without any emotion. Ang tambol sa dibdib niya'y lalong lumalakas.

Pinaglakbay ni Romano ang mga mata sa kabuuan niya. She saw the familiar desire and hunger in those brown eyes. Hindi man niya gustong aminin ay totoong naapektuhan siya. Gayunman hindi niya kailangang magpadala sa damdamin dito.

"Puwede ba akong pumasok?"

"Ano ang kailangan mo, Romano?" It had been days since she last saw him. At kung hindi niya aawatin ang sarili ay ipagkakanulo niya ang damdamin dito. Na pinanabikan niya ito; na wala nang laman ang isip niya kundi ito.

"Nasaan si Troy?" tanong nito kasabay ng pag-ikot ng paningin na sa wari ay nasa loob lang ng living room ang hinahanap.

"Nasa montessori at hindi pa umuuwi," kalmante niyang sagot bagaman hindi iyon ang nararamdaman. "kasama ng yaya," idinagdag niya dahil nakita niya ang mabilis na pagkunot ng noo nito.

Sukat doon ay nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. "Hindi mo dapat ipinagkakatiwala sa ibang tao ang bata, Bobbie!" wika nito na ang pagkakakunot ng noo ay lalong lumalim. And Bobbie saw a hint of fear in his eyes.

Naguluhan siya. Sa nakalipas na taon mula nang magkaisip si Troy ay hindi siya sanay na may ibang kumukuwestiyon sa paraan niya ng pagpapatakbo sa buhay ng anak. Hindi at nalaman na ni Romano na anak nito si Troy ay makikialam ito sa ano mang desisyon niya para sa anak.

"Saang montessori naroroon si Troy? Ano ang oras ng labas?" he demanded, nag-aapura ang tinig. Naguguluhan man ay napilitang magsabi si Bobbie.

Hinugot ni Romano ang cell phone sa bulsa ng pantalong maong at may idinayal. Napasinghap si Bobbie sa narinig na iniuutos nito sa kung sino man ang kausap. Para siyang nanonood ng isang eksena sa sine sa mga sinasabi at iniuutos ni Romano sa kausap nito.

"What are you doing!"

"My brother-in-law's friends will watch the boy," bale-walang pahayag nito. "Don't worry, hindi malalaman ng kahit na sino na binabantayan nila ang bata."

"This is incredible!" bulalas niya. "Bakit kailangang bantayan si Troy?"

"Hindi gugustuhin ng pamilya ko na yaya lang ang kasama ni Troy—"

"Who cares about your family!" Naubos ang pagtitimpi niya. "Sa loob ng tatlong taon ay mag-isa kong binuhay at inalagaan ang anak ko."

Napabuntong-hininga si Romano. "Hindi ko maiaalis sa iyo ang magsalita nang ganyan. Nagkulang ako. Hindi ko alam kung paano ko mapagtatakpan iyon. At sa nakalipas na mga taon ay nasa isang isla kayo sa Caribbean. Walang nakakaalam kung sino si Troy. Muntik nang ma-kidnap si Jade dalawang taon na ang nakararaan. At hindi biro ang kidnap threats na tinanggap ng pamilya ko sa nakalipas na mga taon."

"No one will ever think of kidnapping my son, Romano," she said gritting her teeth. "Just get out of our lives again! Simple lang ang buhay naming mag-ina. Next week, babalik kami sa La Crouix at doon ay hindi ko alalahaning ang pamilya ng anak ko'y nabibilang sa kilalang angkan."

Kristine 15 -Romano 2 (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now