17

25.6K 699 61
                                    

BOBBIE wanted to hate Romano. Kung ang kaisipang posible nitong maihinto ang negosasyon sa pagitan ng ADI at ng Gascon Internationl ay baka mamuo ang poot sa dibdib niya. Dahil maapektuhan niyon ang kaligayahan ng ina at ni Kendal.

Subalit hindi poot ang namahay sa dibdib niya kundi takot. Matinding takot para kay Troy. Dahil walang kahirap-hirap na magagawa ni Romano na mapunta rito ang anak. And then what would happen to Troy? Hahanapin siya ng anak niya. At siya, kaya ba niyang matulog nang wala ito sa tabi niya?

Kaya ba niya ang minsanan sa isang linggong pakikipagkita sa anak? Troy would be sent to expensive schools. Sa ibang bahagi ng mundo kung saan posibleng taunan kung madadalaw niya. Lalaki si Troy na wala siya. At hindi niya kaya iyon. At paano kung masanay si Troy na wala siya sa tabi nito?

A sob came out of her lips.

Worriedly, Romano reached for her hand. Pero iwinaksi niya iyon. "Alam ko kung bakit mo ginagawa ito, Romano..."

"First reason, nais kong mabalik kayong muli sa akin, Bob..."

"Hindi iyan ang dahilan!" Tumigas ang mukha niya. Isa-isang sinabi rito ang tungkol sa kalagayan ni Julia; ang pagiging maysakit nito; ang pagnanais nitong magkaroon ng apong lalaki.

Romano sighed sadly. "I said that was my first reason. Ang ikalawang dahilan ay si Lola Julia, tama ka. Matagal nang maysakit si Lola, Bobbie. Alam ng lahat sa pamilya na iyan ang isa sa mga kahilingan niya. At kung hindi kita nakatagpong muli, sa palagay mo ay mapipigilan niyon ang pagkamatay niya?"

Nalilitong nag-angat siya ng paningin dito. Ang luhang nakabanta ay nanatiling kumikislap sa mga mata niya.

"Kay dali sa aking mag-ampon ng bata, Bobbie. A six-month old baby with brown eyes will suffice. Hindi pa defined ang anyo ng bata sa ganoong edad. But I'd rather see my beloved grandmother die without knowing that there's no grandson to carry the family name. I may be a lot of things to you, my darling. Pero hindi ko gustong dayain ang matandang labis kong minamahal. Kung may nais man akong ipakitang apo ay ang dugo ng kanyang dugo at laman ng kanyang laman. At si Troy iyon."

Bobbie was speechless. May sense ang mga sinasabi nito kung ikukumpara sa sinabi ni Joanna sa kanya bagaman pahiwatig ang malisya. Pero mahusay si Romano sa lahat ng bagay.

"My grandmother's dying anytime, Bobbie. It matters less if she dies without knowing she has a grandson. Subalit kung ikaliligaya niyang malaman ang tungkol kay Troy ay bakit hindi ko gagawin? Ang makita si Troy ay hindi magdudugtong ng taon sa buhay niya. But I want her to be happy. Na ang sanhi ng kaligayahan niya ay dahil may apo siyang magdadala ng pangalan ni Lolo Ernesto." Romano's voice cracked. And Bobbie didn't think of it as a fake emotion. Alam niya kung gaano kamahal ni Romano ang abuela.

Tumayo si Bobbie. Kumuha ng paper towel sa rack at pinahiran ang mga mata at suminga. Hindi niya gustong tanggapin nang ganoon kadali ang sinasabi ni Romano. Pero bakit niya kailangang patagalin ang lahat kung doon din naman ang tungo ng pasya niya?

Kumuha siya ng coffee grind sa cupboard. Pagkatapos ay isinalang ang coffee maker. She was so tensed that she wanted to keep her hands busy.

"Does that mean 'yes,' Bob?"

Suminghot pa rin siya subalit hindi sumasagot. Hindi siya makapaniwalang sa kapirasong mga paliwanag ay heto siya at bumibigay. Pero hindi ba at karapatan naman din ni Troy na makilala ang pamilya ng ama nito? Kung hindi man direktang maipakilala niya si Romano?

Kailan niya itatago sa anak ang tungkol sa ama nito? Soon, malalaman ni Troy iyon. Ano ang magiging damdamin ni Troy kapag nalaman nitong inilayo niya ito sa pamilya nito? The possibility that her son would hate her wasn't that remote.

"A-ano ang plano mo ngayon?"

Romano smiled triumphantly and Bobbie wanted to kick his handsome face. "Bibiyahe tayo patungong Paso de Blas bukas ng umaga sakay ng private chopper."

Tumango siya. Nang magsimulang mag-drip ang coffee maker ay umabot siya ng dalawang tasa sa cupboard.

"Nais kong makausap si Troy, Bobbie," ani Romano, puno ng excitement ang tinig. "Gusto kong malaman ng anak ko na ako ang kanyang ama."

Nabitiwan ni Bobbie ang isang tasa at bumagsak iyon sa marmol na counter at nabasag. Mabilis na tumayo si Romano at hinawakan siya at ipinaupo. "You are so tensed, Bobbie. Hindi ko alam kung bakit kailangan mong maging ganyan."

"Ako ang magsasabi kay Troy sa bahaging iyan, Romano," she said. If she allowed Romano to tell her son about his father, ang posibilidad na magalit ang anak sa kanya ay naroroon. At hindi niya kaya iyon. "Ano mang paliwanag ay dapat na sa akin magmula."

"Kung iyon ang gusto mo. Pero gusto kong malaman niyang ako ang kanyang ama."

Tumango siya. Sandali niyang nalimutan kung ano ang magiging epekto nito kay Troy. Sa pagkakaalam ng anak niya'y wala itong ama. Ngayon, mula sa kung saan ay lumitaw si Romano upang ipakilala ang sarili bilang ama. Napakabata pa ni Troy para maipit sa kanilang dalawa ni Romano.

"He loves Steven..."

"Hindi ako tatanggap ng anumang dahilan, Bobbie," determinadong wika nito, gumuhit ang panibugho sa dibdib para kay Steven. "Gusto kong malaman ni Troy na ako ang kanyang ama." humakbang ito palapit sa kanya. Hinawakan siya sa magkabilang balikat at itinayo. "Babalik ako bukas ng umaga para sunduin kayo. Bago mananghali. Sa Monique Hotel na tayo magtanghalian."

Tila bakal ang mga kamay nito sa balikat niya. Ang mukha nito ay ilang pulagada lang mula sa mukha niya. She could even smell his warm breath. Unti-unti ang paggapang ng kilabot sa katawan niya.

Gusto niyang itulak ito palayo subalit sa halip ay bahagya niyang itinaas ang mukha at pinanabikan ang paglapat ng mga labi nito sa mga labi niya.

At hindi siya nabigo. Romano claimed her mouth with so much hunger. Ang mga braso nito ay pumalibot sa katawan niya at mahigpit siyang niyakap. Napaungol si Bobbie. She was kissing him as fiercely as he was kissing her.

Dahil na lang marahil sa kailangan ng hangin ang mga baga nila kaya siya pinakawalan ni Romano. Sinapo nito ang mukha niya at tinitigan siya. "I missed you, Bob..."

Mabilis siyang kumawala. Hindi siya makapaniwalang tinraydor siya ng katawan niya. Nanghihinang napaupo siyang muli sa binakanteng silya. Her lips still throbbing from his kiss. And if truth be told, she wanted right now more than just a kiss from him.

"Kung ako ang masusunod, darling, gusto ko na kayong isama ngayong oras na ito ni Troy pabalik sa Corinthians. Pero tama ka. Ayokong biglain si Troy." Yumuko ito at hinagkan siya sa ibabaw ng ulo. "Huwag kang mag-alala. Nangangako akong magiging maayos ang lahat."Matagal nang nakaalis si Romano ay hindi pa rin tumitinag si Bobbie. Walang lakas ang mga tuhod niya para tumayo.

She groaned in desperation. Muli ay nariyan silang dalawa ni Joanna, laging available sa pangangailangan ni Romano. At sa pagkakataong ito ay hindi lang niya ang sarili ang isasaalang-alang. Nariyan si Troy na may karapatang makilala ang sariling ama. 

Kristine 15 -Romano 2 (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now