5

26.4K 714 139
                                    


"ARE YOU all right?" tanong ni Steven nang nasa kalsada na sila pabalik sa condo niya. Puno ng pag-aalala ang mga mata nito. "Did he hurt you somehow?"

She smiled sarcastically. "It's the other way around. Sinampal ko siya."

Isang halakhak ang pinakawalan ni Steven. "Nakita ko dapat iyon. Ang guwapo at palikerong si Romano de Silva, head ng isang malaking kompanya at kilala sa pagiging mahusay sa negosyo sa batang edad ay nakatikim ng sampal kay Bobbie."

Nakitawa na rin siya. Though her laugh was a little shaky. "Inakusahan niya akong pareho ko kayong lover ni Kendal."

Nanlaki ang mga mata ni Steven. Disbelief in his eyes. "My god, the man was jealous, Bobbie!"She rolled her eyes. "Jealous, my ass! Hindi ang uri ni Romano ang gustong malamangan, Steven. Sa tingin niya ay nakakabawas iyon sa pagkatao niya. Considering that legally we are still married."

Umiling ito. "Nakita ko ang pagpipigil niya ng galit kanina nang hawakan ko ang kamay mo. Patay-malisya lang ako. And I would have kissed you for effect kung hindi ko lang naisip na baka umalma ka ay mapahiya ako."

She laughed drily. Inihilig ang ulo sa headrest at ipinikit ang mga mata. Tila siya dinaanan ng ipuipo sa pagkikita nilang muli ni Romano pagkalipas ng apat na taon. Unang pagtatagpo subalit naigupo nito kaagad ang composure na ibinalot niya sa sarili sa nakalipas na mga taon.

ILANG sandali na lang at umaga na. Ni hindi siya dinadalaw ng antok. Mula sa bintana ng silid niya'y tinanaw ni Bobbie ang buong lungsod ng Makati. Ang iba't ibang kulay ng nagkikislapang mga neon light na nagsisilbing tanglaw sa nagdaang gabi. Ang mga skyscraper na tila nagpapaligsahan sa pag-abot sa langit. Sa kabila niyon ay nababanaag niya ang papalapit na pagsikat ng araw.

Was it fate's doing that she met Romano again after almost four years? At sa mga panahong ito kung saan unti-unti nang naghihilom ang sugat niya sa puso.

I'm almost over you, Rom... almost. She controlled her sobs. Tumingala at pinuno ng hangin ang dibdib at saka nilingon ang anak na nahihimbing sa kabilang kama.

Her husband's image. And yet she thought she was almost over him. Paano ba mangyayari iyon gayong ang anak ang nagsisilbing alaala kay Romano? Sa pagkakatitig sa natutulog na anak ay hindi niya kayang pigilan ang pag-alpas ng mga alaala...



*****************Sorry mga beshie , back to work na muna akeshh, mag-ingat kayo palagi and God bless. :) Medyo hindi maganda pakiramdam ko ngayon kaya lang baka magtampo kayo at ibash n'yo ako at baka namiss n'yo rin ako, baka lang naman char kaya nag-update na ako hahahahaha. Take care mga beshie. - Admin A **********

Kristine 15 -Romano 2 (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now