24

27.6K 703 149
                                    

NAILIBING na sa family mausoleum si Julia nang umagang iyon. Subalit hindi pa rin makausap ni Bobbie si Romano na nananatiling nag-iisa. Magkakasabay silang kumakain subalit wala kahit isa ang nagsisimula ng kaswal na usapan. Not even Emerald.

Mula sa verandah sa silid ay nakita ni Bobbie ang asawa na lumakad patungo sa koral sa likod. Naupo ito sa bakod at sapo ang ulong nakayuko.

Anuman ang namagitan sa kanila ni Romano'y hindi kayang tingnan ni Bobbie ang asawa sa ganoong ayos. Mabilis siyang bumaba at sinundan ito. Sa gitna ng bahagyang liwanag ay nakita niyang banayad na yumuyugyog ang mga balikat nito.

Compassion filled her for this arrogant man. Sa loob ng ilang araw mula nang mamatay si Julia ay hindi niya nakitang umiyak si Romano. At ngayong mag-isa na lang ito'y saka bumigay ang anumang damdaming nakakulong.

"Romano..."Marahas ang lingon nito. "What do you want?"

"I–I want to—"

"Kalilibing lang ni Lola Julia kanina, Bobbie," singhal nito. "Hindi ka ba makapaghihintay na makabalik tayo sa Maynila bago mo ungkatin ang ano mang panibagong issue sa ating dalawa?"

"H-hindi iyon ang dahilan kaya lumapit ako." She cleared her throat at lumapit nang ilang hakbang. Ipinatong ang mga braso sa koral. "W-we used to be friends."

Umismid si Romano. "We were never friends, Bobbie. We were lovers."

"Can't lovers be friends, Romano? Kung hindi man noon, bakit hindi natin simulan ngayon?"

Matagal bago sumagot si Romano. Tumanaw sa kadiliman. Ilang buntong-hininga ang hinugot nito bago nagsalita. "Isa akong duwag, Bobbie, alam mo ba iyon?"

"No. Hindi ko alam iyon. Sa paanong paraan, Romano?" Bahagya siyang nangikig sa lamig sa labas at napuna ni Romano iyon. Inabot siya.

"You're cold. Come here." Bumaba si Romano sa ibabaw ng koral at ikinulong siya sa mga bisig nito.

It feels good to be in her husband's arms at sana'y huminto ang orasan. "Hindi mo na ako sinagot..."

"Ah, yes," wika nito at muling huminga nang malalim. "Tulad mo rin ako, Bobbie. Tao at may damdamin at may kahinaan. At tulad ng alam mo, ito ang mundo ng daddy... ang buong kaparangang ito. Subalit dahil sa Mommy ay wala siyang magawa kundi hawakan ang kompanya kaysa ang mommy ang magtrabaho. Ako ang panganay, ako ang lalaki kaya sa akin mapupunta ang lahat ng responsibilidad sa sandaling magretiro si Daddy. Ipinaunawa sa akin iyan... sa amin ni Lenny.

"I don't know what Lenny felt about this. His responsibility is much wider and bigger than mine. And his only consolation was that Uncle Bernard hasn't retired yet and wouldn't thought of retiring for years to come. And I felt so scared when Dad retired..." he kissed the top of her head.

Nag-angat ng mukha si Bobbie, tumama iyon sa mga labi ni Romano and he kissed her temple softly. "Your scared? Hindi ako naniniwala, Romano." she shivered at the warm of his lips.

"What if I failed? Paano kung hindi ko kayang hawakan ang kompanyang ipinamamahala sa akin? You were my first failure, Bobbie. It almost shattered me into pieces..." he said painfully.

"Romano." her throat constricted. Wanting to believe him. "G-gusto kitang makausap tungkol sa... tungkol sa sinabi ni Kurt sa akin. The... the sterile thing."

Romano stiffened. 



***************Hello everybody, super busy ng Monday natin mga beshie hahahaha , matutulog na sana ako kaya lang nakonsensya naman ako sa inyo ,baka hinihintay n'yo ako at baka stress kayo at kailangan n'yo ng kalinga ko char hahahaha. Huwag kayong pa stress mga beshie, sayang ganda natin eh kung ma sstress lang hahahaha. Take care and God bless mga beshie. - Admin A **********

Kristine 15 -Romano 2 (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now