11

23.9K 719 21
                                    

"MOMMY, wake up..."

Umungol si Bobbie. Muling ibinaon ang mukha sa unan. Sa pagkakatanda niya'y sumisikat na ang araw sa silangan nang humiga siya. At masakit ang mga mata niya. Wala pa yatang tatlong oras siyang nakakatulog.

She opened an eye. "Troy, sweetheart, could I sleep at least for another hour?"

"No, you can't," determinadong sagot nito. The grim set of his lips reminded her of his father. 

"It's gonna be hot then. It's nine o'clock, Mom. You promised that we will go to the pool today," pagpipilit ng tatlong taong gulang na bata.

"Did I?"

"Yes, you did," mariing sagot nito at inalis ang kumot ng ina.

Bobbie groaned. Napilitang tumayo kahit antok na antok pa siya. "All right... all right. Now give me a kiss and then go, sabihin mo sa Yaya Lucing mo na bihisan ka ng pampaligo."

Mabilis na hinagkan ng bata ang ina at nagmamadaling bumaba ng kama. "I'll wear the new swimming trunks that we bought."

Umikot ang mga mata ni Bobbie. Naiiling na sinundan ng tanaw ang anak palabas ng silid. Pagkatapos ay muling ibinagsak ang sarili. Siguro naman kung tatawad siya ng kalahating oras ay hindi maiinip si Troy. Ipinikit na niyang muli ang mga mata nang mula sa kung saan ay maisip ang nangyari kagabi.

"Oh, my god!" Sapat ang presensiya ng alaala kahapon upang mawala ang antok niya. Mabilis na dinampot ang telepono at idinayal ang bahay ni Steven.

"Thank you for yesterday, Steven. Sana'y hindi naapektuhan ng nangyari ang negosasyon ng ADI kay Nick Gason."

"Don't worry about that. Hindi namersonal si Romano. Besides, si Nick Gason naman talaga ang kausap namin ni Daddy. Speaking of Kendal, natanggap mo ba ang tawag ni Daddy kagabi? He's off to Caribbean. May importanteng dapat ayusin."

Naghikab siya. "Baka nasa voice mail. I'll check later. Nag-alala lang ako sa maaaring maging resulta ng transaksiyon."

"The business part is okay. But how about you? Are you all right?" nag-aalalang tanong nito mula sa kabilang linya. "The man was dangerous than I thought."

You don't know half of it. "I am perfectly all right, Ken. Odd, but I felt better. All these years I've been wondering how I would react if I meet Romano again. Now, I'm over the anxieties. Ngayon ko lubos na napatunayang isang pagkakamaling nagpakasal kaming dalawa sa panahong pareho pa kaming bata. At ang tanging magandang kinalabasan ng pagsasama namin ni Romano ay si Troy.

"Nasasabi ko na ngayon iyan nang magaan sa dibdib ko. Besides, iyon na ang huling pagkikita namin. By this time, sakay na si Romano ng private jet ng kompanya pabalik sa Houston. At ayon sa pag-uusap ninyo kahapon ay si Nick Gascon na ang magpapahanda ng dokumentong pipirmahan mo sa abogado nito," mahabang sabi niya.

"Mom!" sigaw ni Troy na sumungaw sa may pinto, nakasuot ng pulang bikini trunks. Sa likuran ay ang yaya. "Nakabihis na ako pero naka-pajama ka pa rin. Ang tagal mo. 'Intayin ka namin ni Yaya Lucing sa ibaba." Pagkasabi niyon ay nagtatakbo na ang bata palabas ng unit kasama ang yaya na bitbit ang isang plastic life vest na may mukha ni Mickey Mouse.

"Heard that?" aniya sa kausap sa phone. She heard Steven's laugh. 

Kristine 15 -Romano 2 (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now