7

24.8K 628 19
                                    


"WHY DIDN'T you tell me you're coming home? Oh, god, I can't believe this!" aniya nang nasa kotse na sila ng binata sa may parking area. Binuksan ni Romano ang aircon at pinanatiling nakabukas lang ang makina ng kotse.

Her eyes filled with so much longing and happiness. Ang excitement ay hindi pa rin nagmamaliw kahit bahagya. Hindi niya alintanang malaman ni Romano na labis niya itong mahal.

Romano smiled tenderly at her. Ginagap ang kamay niya at hinagkan. "Are you really so excited to see me?"

"You can't know half of what I feel." she grinned at him. Isinandig niya ang ulo sa balikat nito. "When did you arrive? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin? At paano mong nalaman ang office ko? No. Don't answer that one. Siyempre, ang mama."

Nakangiting tumango ang binata roon. "Kagabi ako dumating. At hindi kita nasorpresa nang ganyan kung sinabi ko sa iyong uuwi ako."

Hindi na nagsalita si Bobbie. She was staring at him with fascination. Umaapaw sa pananabik at pag-ibig ang mga mata niya. Kung hindi siya magtitira nang kaunti para sa sarili niya ay natitiyak niyang aalipinin siya ng damdamin niya rito.

Nilingon siya ni Romano. "I have another surprise for you, sweetheart..."

"Really? And what is it?"

"This first," wika nito at kinabig siya at mariing hinagkan sa mga labi that Bobbie melted in his arms at once.

Romano was kissing her fiercely. Nasa mga halik nito ang matinding pananabik at pagnanasa. Which she returned with equal fierceness. At nang damhin nito ang dibdib niya ay napaungol nang malakas si Bobbie. Ni hindi niya naisip kung nasaan sila sa mga sandaling iyon.

Only Romano mattered.

Hindi siya makapaniwala sa intensidad ng nararamdaman niya sa lalaking ito. It wouldn't have mattered to her if he kissed her forever. She missed him so much.

Pinakawalan siya ni Romano nang kailangan na nilang parehong huminga at muli ring inangkin ang mga labi niya.

"How I've dreamt of this every day, sweetheart," he murmured in her lips huskily.

"Me, too. Oh, I love you, Romano." she would have reached for his lips kung hindi sa pag-alis ng isang sasakyang katabi ng kotse ni Romano sa parking kasabay ng malakas na busina. Na tila sinasabi sa kanila na kumuha sila ng isang silid sa motel.Romano laughed.

She blushed. Mabilis siyang lumayo at umayos ng upo. "Nakalimutan kong nasa parking tayo." she smiled guiltily. Her lips still throbbing from his kisses.

Hindi sumagot si Romano but his brown eyes turned a shade darker with desire. Huminga nang malalim at saka pinihit ang susi sa ignition at lumabas ng parking area.

"Let's have an early dinner. Nagpa-reserve ako sa isang restaurant na malapit dito."

Isang tahimik na tango lang ang isinagot ng dalaga. She was wearing her heart on her sleeves as she stared at him. Watched his capable hands in fascination habang nagmamaneho ito. Pagkatapos ay muling babalik sa mukha ng binata. She could have been a love-crazed teenager and she didn't care.

Ilang sandali pa'y nasa restaurant na sa ibaba ng isang hotel ang dalawa.

"Hmm... dinner by a candlelight," nakangiting puna ng dalaga nang maupo na. "At may dilaw na rosas pa, huh?" Banayad niyang dinama ang talulot ng rosas. Natatandaan niya nang punuin ni Romano ng mga rosas ang buong silid niya. How could one ever forget that?

"Oh, Romano, this is lovely!"

"You're lovelier, Roberta Lou," he said huskily. His eyes never leaving her face. Pagkatapos ay may kinuha sa bulsa ng pantalon at iniabot sa dalaga. "Ang sorpresa ko."Tinitigan ng dalaga ang munting kahitang inilagay ng binata sa harap niya. Another ring?

Kristine 15 -Romano 2 (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now