6

24.5K 646 8
                                    


"HAVE dinner with me, Bob." sinabayan siya ni Adam Leviste sa paglabas ng opisina hanggang sa may elevator. Si Adam ang may-ari ng bahay na kung saan ang buong interior ay siya ang nagde-decorate. Isang divorcee at nasa mid-thirties nito.

A month after Romano left for Texas, pumasok si Bobbie bilang isang interior decorator sa isang kompanyang pag-aari ni Adam Leviste. Nagpaparenta ito ng mga condo unit na maayos at nadedekorasyunan na para sa mga foreigner. Maliban pa sa talagang mga condo units na ipinagbibili. At si Bobbie ang humahawak sa interior designing ng mga unit nito.

"Thank you for inviting me, Adam, pero hinihintay ako ni mama," she smiled politely. Tumuwid ng tayo ang lalaki at nagbuntong-hininga. "You've been working for me for six months now, Bobbie, pero minsan ma'y hindi mo pa ako napagbigyan sa mga dinner invitation ko."

"Maybe because she's committed and I'll definitely won't like it if she dated another man." isang amused at pamilyar na tinig ang marahas na nagpalingon kay Bobbie.

"Romano!" bulalas niya nang makita ang binata. Nasa likuran nila ito at ni hindi niya napansin. Pagkamangha at katuwaan ang nasa mukha niya. Parang sumakit ang dibdib niya sa bilis ng tibok ng puso niya habang hinahagod ng tingin ang mukha nito. Oh, how she missed him! The last time she saw him in person was at the NAIA airport seven months ago. At sa loob ng mga buwang iyon ay tatlong beses na niyang nakita at nakausap si Romano sa videophone sa opisina ng ama nitong si Marco de Silva.

At bagaman gusto niyang magreklamo sa uri ng relasyon nila ay wala siyang magagawa. Kailangan niya itong unawain. Kaya naman pinagkasya na lamang niya ang sarili sa ganoong uri ng pagkikita.

At sa bugso ng damdamin ay napahakbang siya patungo rito at mahigpit na yumakap. Tuluyang nawala sa isip na naroroon ang boss niya at nakatingin sa kanila.

"Why are you here? When did you arrive? Oh, I missed you so much, Rom!"

Romano chuckled as his arms went around her and raised her inches from the floor. "I missed you too, sweetheart. More than you'll ever know," he whispered huskily and kissed the top of her head.

Over Bobbie's head, tinapunan nito ng tingin si Adam Leviste na nagkibit ng mga balikat at humakbang pabalik sa opisina. Si Bobbie ay tuluyang nakalimutan ang boss.

Kristine 15 -Romano 2 (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon