16

25.1K 717 34
                                    


ROMANO groaned. Kung tinarakan siya nito ng punyal sa dibdib ay baka hindi pa niya gaanong daramdamin. But these are the consequences he had to suffer. He stared at her for a long while. 

Nagkamali siya. Isang napakalaking pagkakamali. Hindi minsan man nawala sa puso at isip niya si Bobbie. Ang inaakala niyang pagtataksil nito ay nagdulot ng matinding sakit sa damdamin niya. Halos ikamatay niya. Kung wala ang responsibilidad niya sa Kristine Steel ay baka hindi niya nakayanan.

Sa unang mga buwan ay tila siya buhay na patay. Humihinga lamang dahil kinakailangan. Ilang daang beses niyang dinampot ang telepono at tawagan ito upang muli ring ibagsak sa cradle. Hindi miminsang dumating sa punto na ninais niyang sundan ang asawa sa Pilipinas. Kalimutan ang pride, ang sama ng loob, ang galit.

Nais niya itong patawarin sa inaakala niyang ginawa nitong pagtataksil. Nais niyang limutin iyon at angkinin ang batang inakala niyang bunga ng kataksilan nito. Dahil hindi niya kayang mabuhay nang wala ito. Ang bata ay sagot sa malaking suliranin niya sa kanilang dalawa ni Bobbie. Hindi kailangan ng mga magulang niya... ng pamilya niya. Pero ang kaisipang may ibang lalaking nakipagtalik sa asawa niya ay sapat upang ang lahat ng matitinong pangangatwiran ay maglaho sa isip niya. Ang matinding panibugho ay pumapatay sa kanya.

Hanggang sa unti-unti ay nakaya niyang pakibagayan ang paghihiwalay nila ni Bobbie. Though for years now, he'd tried to locate her, to know her whereabouts. Kung ano na ang nangyari dito. Kung nagkaasawa ba itong muli. Kurt was a very resourceful man. Nang wala ito kaagad maibigay na resulta sa kanya ay ganoon na lang ang takot na namahay sa dibdib niya. She could be dead or what.

Ngayon ay inasam niyang sana'y ginawa niya ang dapat gawin noon pa man. Wala siyang ibang dapat sisihin kundi ang sarili niya.

"Bobbie, listen," he said after awhile. "Ikaw na rin ang nagsabing ako pa rin ang Romano na nakilala ko. Na handa kong gawin ang lahat ng bagay mapasaakin lamang ang gusto ko. I am a ruthless man in the business world, darling. Tangay ko marahil ang ugaling itinuro sa akin ng aking pamilya upang mapanatili ang kompanyang pinaghirapan ng aming nunong si Leon...""Saan patungo ang usapang ito, Romano?"

He sighed. "Kaya kong gawin ang mga bagay na hindi mo iisiping magagawa ko, Bobbie. Blackmail for one. You know Uncle Nick hasn't signed the documents yet. Bukas pa ang dating niya mula sa Las Vegas—"

Napatayo si Bobbie. Sindak na napatitig sa kanya. "Hindi mo magagawa iyan, Romano!"Tumango siya. "No, I won't do it, Bobbie. I am only stressing a point. Na kaya kong gawin ang ano mang paraan upang mabawi ko kayong mag-ina. Kaya kong hingin sa korte na sa akin mapupunta ang custody ni Troy—"

Nanlaki ang mga mata nito. Nagsisimula ng gumitaw sa isip ang kung ano-anong eksena. Hinawakan ito ni Romano sa kamay, sinisikap na ipalagay ang damdamin niya.

"I won't do that, too, Bobbie. Isa lamang punto na gusto kong patunayan sa iyo. As many people know, hindi ligtas ang aking pamilya sa ano mang panganib mula sa masasamang tao. May mga patunay sa bagay na iyan. Dahilan upang mahimok ko na ibigay sa akin ng korte na ipagkaloob sa akin ang custody sa aking anak..."

Gusto ni Romano na sipain ang sarili sa nakikita niyang paghahahalili ng takot at galit sa mukha ni Bobbie. Takot para sa anak nito na baka mawala ito rito. Galit para sa kanya.

"What do you want?" tanong nito sa nanginginig na tinig.

"You and Troy. Back to me."

"No."

Umangat ang mga kilay niya. "No, Bobbie?"

"Why are you doing this? You don't need us."

"That is where you are wrong, my dear. I need you and Troy. So much you can't even begin to know." Puno ng emosyon ang tinig nito.

Kristine 15 -Romano 2 (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now