25

27.4K 766 55
                                    


"KUNG natatandaan mo," wika ni Romano sa tinig na kasinlamig ng yelo. "Sinabi ko sa iyo iyan noong gabi sa unit mo pero hindi mo gustong maniwala at makinig sa akin. You didn't even want to give me a chance."

"I... I want to listen now."

He sneered. "Strange. Kung hindi pa galing sa ibang tao ay hindi ka magkakainteres. Anyway, sasabihin ko sa iyo. Nagkamali ang typist sa laboratory ng paglalagay ng impormasyon sa mga papel. Usually, kung hindi rin lang nakakahawa ang sakit at nakamamatay, ay naka-file na lang ang SOP na iyon. Nagkataong nagbiro ang doktor na tumingin sa akin kaya nag-abala akong hingin ang medical reports. In my stupidity, hindi ko napuna na mali ang ibang data. Only the sterile thing caught my attention." the pain and bitterness in his face broke Bobbie's heart.

"I was devastated. You were an only child and no family other than your mother. You wanted bunch of children and so do I. It angered and pained me that I cannot give you a child. My pride was at the lowest level. The Fortalejos and the De Silvas are bunch of healthy men. Hindi ko kayang tanggapin. And you chosed that very moment to leave me at bumalik dito sa Maynila nang walang malinaw na dahilan." ang nag-aakusang mga mata nito'y tila patalim na gumuguhit sa puso ni Bobbie. "And after a few weeks tatawag ka at sabihing nagdadalang-tao ka? What do you expect me to think?"

"Romano..."

"I'm tired, Bobbie," wika nito sa nagyeyelong tinig. "Pumasok ka na at malamig dito sa labas." Pagkatapos ay pumasok sa loob ng bahay.

THE CLOCK strikes twelve pero hindi dalawin ng antok si Bobbie. Hindi niya masisi si Romano kung magalit man ito. Siya ang nagkulang ng tiwala. Kung hindi marahil siya bumalik sa Pilipinas ay malamang na sa mismong araw na sabihin niya ritong nagdadalang-tao siya'y agad na susuriin ni Romano ang mga dokumento at muling magpapasuri. But she was too hasty to leave dahil lang kay Joanna.

Matapos ang ilang sandaling pagmumuni-muni ay lumabas siya ng silid. Tinalunton ang daan patungo sa library sa ibaba kung saan natutulog ang asawa.

Ipinihit niya ang doorknob at bukas iyon. Marahang itinulak. Walang ilaw sa loob. Subalit alam niyang nakahiga sa sofa bed si Romano. Kahit paano'y nagsilbing tanglaw ang ilaw sa labas ng verandah na ang liwanag ay pumapasok sa silid.

Muntik pa siyang mapaigtad nang magsalita si Romano. "Why, this is such a surprise, Bobbie," he mocked. "Four days without sex can be very frustrating, eh."

"R-Romano, mag-usap tayo. I want us to work this marriage out..."

"Sure," ani Romano na tumayo at inabot siya. Hinila patungo sa sofa bed. Bumagsak sa kandungan ng asawa si Bobbie. "Sa paraang alam ko, Bobbie. At sa paraang alam kong magkasundo tayo. Sex, as you call it."

Akma niyang itutulak ang asawa nang maramdaman ang maninipis nitong balahibo sa mga palad niya and then the hardness of his arousal. She shivered with pleasure. How could this man affect her instantly gayong ni hindi siya makaramdam ng kahit na ano mula sa mga lalaking nagtangkang mapalapit sa kanya?

She sighed as she curled her fingers in his hair pulling him against her body. "That's good, Bobbie," bulong ni Romano sa mga labi niya. "I need you so badly today."

How Bobbie ended up astriding her husband sa masikip na sofa bed ay wala siyang ideya. He was kissing her shoulders habang tinatastas ang tali ng roba niya. In seconds they were both naked. Strong hands caressed the silkiness of her flesh. His teeth teasing her rigid nipple, from one to the other.

There was violence and urgency in his lovemaking. Pero nagpabangon lang iyon ng higit pang pagtugon mula kay Bobbie. Their bodies joined and rocked in a wild primitive passion. Narinig niya nang isigaw ni Romano ang pangalan niya as they both reached their climax.

"Bumalik ka na sa silid mo, Bobbie," ani Romano hindi pa man ito nakakabawi sa paghinga. Siya man ay nakasubsob pa sa dibdib nito. "Baka magising ang anak mo at hanapin ka." She froze sa kakaibang tono nito. Moved off him and sat on the carpet. "Romano, h-hindi mo ba ako naiintindihan kanina, gusto kong mag-usap tayo."

"Kung gusto mong umalis pabalik sa Maynila ay umalis ka. Ihahatid ka ng chopper bukas ng umaga. Pero ikaw lang. Hindi mo maisasama si Troy. I'll be damned kung inaakala mong papayagan kong palakihin ng ibang tao ang anak ko!"

Mabilis ang pagbangon ng panic sa dibdib ni Bobbie. "N-no. Please, listen..."

"Shut up, Bobbie! I'm tired... too tired for that matter. Ilang araw na akong walang tulog. Hindi ba ako maaaring magpahinga?" At sinabayan nito iyon ng dapa.

"R-Romano, please..." she whispered. Touched his naked back. Subalit hindi ito kumikibo. "P-please, listen..." subalit nanatiling hindi kumikilos ang asawa. At sa paraan ng paghinga nito'y alam niyang tulog na si Romano.

She controlled her sob at dinampot ang roba at isinuot. Pagkuwa'y maingat na lumabas ng silid. Hindi siya maaaring bumalik sa silid nilang mag-ina dahil magigising niya si Troy sa iyak niya. Naupo siya sa sofa sa living room at doon umiyak nang umiyak. Kung gaano siya katagal doon ay hindi niya alam. Tila walang pagkatuyo ang mga luha niya.

"Bobbie..." si Emerald mula sa puno ng hagdan.

"M-Mom..."

Walang ingay na nakalapit si Emerald sa kanya. Hindi rin nag-abalang magsindi ng ilaw.

"I–I'm trying... to... save this marriage," she sobbed hysterically nang maupo sa tapat niya ang biyenan. Lalo pang hindi makontrol ang iyak. "But he wouldn't listen..."

"Do you want to tell me about it?"

"It's my fault. H-hindi ko siya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag..." sinabi niya kay Emerald ang lahat ng dahilan kung bakit bumalik siya sa Pilipinas at ang pagtanggi ni Romano na anak nito si Troy.

"Gusto mong kausapin ko si Romano, hija?"

Mabilis siyang umiling. "He wouldn't listen to you. Iinsultuhin lang niya ako. Mommy, please, kung tutulungan ninyo ako'y tulungan ninyo akong makaalis ng isla bago mag-umaga. Hindi ko kayang makitang maiiwan ko si Troy. Habang tulog siya'y gusto ko na lang umalis."

"Are you sure this is what you want, Bobbie?"

Isang tango ang isinagot niya.

Hindi pa sumisikat ang araw ay inihahatid na ng tanaw ni Marco at Emerald si Bobbie sakay ng pickup patungong Kristine Hotel kung saan naroroon ang chopper na maghahatid sa kanya sa Maynila.

"Tama bang pinayagan mo ang manugang mong umalis?" Marco asked.

"Hindi ko siya kayang pigilan, Marco. At matigas ang loob ni Romano. At nauunawaan ko siyang hindi niya gustong makita ang anak habang paalis siya. Nararamdaman ko ang nararamdaman niya."

"What now?" Marco asked worriedly.

"Hindi ko alam. Hayaan mong si Romano ang magpasya para sa buhay niya. We can only help kung kailangan niya ng tulong natin."

Kristine 15 -Romano 2 (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now