19

24.4K 670 21
                                    

"SAUDI?" Sinulyapan ni Romano si Bobbie na umiwas ng tingin. Then he groaned inwardly. 


Biglang nagbara ang lalamunan. Hinapit niya ang anak at mahigpit na niyakap. "Never, son. Never again," nagsikip ang lalamunang bulong niya. Nag-init ang mga mata. "Hindi na babalik sa Saudi si Daddy." Sa huling sinabi ay naroon na ang himig ng kaaliwan. Saudi? Did Bobbie really tell their son that he was assigned in Saudi Arabia?

Mabilis na kumawala si Troy at tumingin sa ina. "Talaga bang siya ang daddy ko, Mom?" Sumulyap si Bobbie kay Romano at nakita niya ang babala sa mga mata nito. She swallowed. 


"Yes, Troy. He's really your... father."

Ibinaba ni Romano ang anak. "At makikilala mo ang Lolo Marco at Lola Emerald mo mamaya, Troy. You will also meet your uncles and aunts."

"Really, Dad?"

"Really. We'll go to the island today. Isasakay ko kayo ng mommy mo sa chopper."Nagsalubong ang mga kilay ng bata. "Island? Like La Crouix?"

"Lovelier than La Crouix, Troy." Puno ng pagmamalaki ang tinig ni Romano.

"Oh, Mom, did you hear that?" Excited na nilapitan ni Troy ang ina na tumango at sapilitang ngumiti. "Pupunta tayo sa island, Mommy, sakay ng chopper. Wow!"Mula sa nakabukas na pinto ay sumungaw si Lucing. "Nakahanda na ang almusal ninyo."

"Yaya Lucing, siya ang daddy ko." excited na nilapitan ng bata ang yaya. "He isn't dead really like you told me."

Nailang ang yaya at tumikhim. Hinawakan sa kamay ang bata at hinila sa labas. Si Romano ay inakbayan si Bobbie. Nais niyang iiwas ang sarili subalit humigpit ang kamay ni Romano sa mga balikat niya.

"Huwag mong gawing mahirap ang lahat, Bobbie. Nagpapasalamat akong nasabi mo na kaagad kay Troy ang tungkol sa akin." He looked down at her. "Saudi? How original, my love."

Marahas siyang kumawala at naunang lumabas ng silid.

SI ROMANO ang nagpalipad ng chopper. Hindi kayang bayaran ni Bobbie ng kahit na anong halaga ang katuwaan sa anak. May nakakabit na headset dito para marinig nito ang sinasabi ng ama habang nagpapalipad ito.

Sa ilang sandali ay nakadama siya ng panibugho. Sa nakalipas na apat na taon ay sa kanya lamang nakatuon ang buong pansin ni Troy. Ngayon ay kahati na niya si Romano. She knew she was being unreasonable but she couldn't help it.

Pagkalipas ng mahigit sa kalahating oras ay lumapag na ang chopper sa de Silva farm.

Kristine 15 -Romano 2 (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now