CHAPTER 54

8 2 0
                                    

David's POV

["Guys! I'm home."]

Pagkasend ko ng message sa gc ng squad ay agad kong tinago sa bulsa ng pantalon ang cellphone ko at hinila ang maletang dala-dala ko.

After 4 months ay nakauwi na rin ako ng Pilipinas. At sa wakas makakasama ko na ang pinakamamahal kong pamilya, walang iba kundi ang Solidarity.

Pagkalabas ko ng airport ay bumungad sakin ang mga sasakyang tila ba nagkakarerahan. Kunot-noo ko iyong tinignan at napahinto sa paglalakad.

Limang klase ng Baiz na sasakyan ang kanina pa paikot-ikot sa harapan nitong airport. Ang weird lang dahil hindi sila sinisita ng guard.

Isinantabi ko nalang ang mga yon at nagpatuloy sa paglalakad habang hila-hila ang maleta. Nakakadalawang hakbang palang ako nang bumusina ng pagka lakas-lakas ang mga sasakyan.

Lintek! ano bang trip ng mga to!?

Matiim kong ipinikit ang mga mata at pinakalma ang sarili. Kaya kong sirain ang sasakyan nila kahit pa sabihin nilang iyon ang pinakamahal na style ng Baiz.

Ibinaling ko ang atensyon sa harap at laking gulat ko nalang ng makita silang lahat.

"WELCOME BACK DAVID MANUEL!"

Ang kaninang naiinis kong mukha ay napalitan ng napakalaking ngiti ng makita ang squad na kumpletong-kumpleto na sinalubong ako.

Antagal ko ring nawala kaya naman sobrang namiss ko talaga sila.

"Sorry kung pangit ang pakulo..." nakangiting saad ni Jamin at lumapit sa kinaroroonan ko.

Nakangiting lumapit na rin sakin ang lahat at sinalubong ako ng maiinit na yakap. Ang sarap naman nito...

"Grabe Dave! nag iba agad itsura mo. It's been 4 months ng mawala ka." saad naman ni Feiya na tila ba pinagmamasdan ang kabuuan ko.

Yeah I know! I look more gorgeous.

"David bat isang maleta lang dala mo!? Asan pasalubong namin?" maingay na pagtatanong ni Sana habang kunot noo akong tinitignan.

"Pfft! ano namang ipapasalubong ko? Gamot!?" natatawang sagot ko sakanya at pinasadahan ng masayang tingin ang mga kaibigan ko.

They changed a lot.

"Arat na, sakto lunchtime... Shaun baka naman." pagpaparinig ni Louise sa kaibigan.

Isang ngiti naman ang pinakawalan ni Shaun.

"Sige na, tara na..." pang aaya nito at iginaya na nga kaming lahat.

Napatigil naman ako nang makita ang nakaparadang Baiz sa unahan ng airport.

"Sandali! Bago niyong kotse?" pagtatanong ko at tinuro ang mga kotseng nakaparada.

"What!? No..." agad na sagot ni Louise.

Grabe naman to makaila.

"Patapong kotse yan ni Skie. Ginamit na namin sayang naman." sagot naman ni Zaizai.

The heck!? Patapon na to? Eh parang parehas lang to ng kotse kong binigay niya 5 years ago.

"Panong patapon?" pagtatanong kong muli.

Nakakacurious, mukha namang bago pa eh.

"Old style na yan ng Baiz, kaya papaltan at I a upgrade. Naisip nilang gamitin muna pang paspasan bago sirain." sagot ni Skie.

Oww I see! Tumataas nanaman ang ekonomiya ng Baiz. Iba talaga!

"So, kita-kita nalang sa resto. Ingats!" saad ni Shaun at pumasok na sa isang puting Baiz.

LOVE MAZE [COMPLETED]Where stories live. Discover now