CHAPTER 22

10 3 0
                                    

Feiya's POV

Sa wakas ay natapos na ang oras ng pag aaral. Grabe, sumasakit talaga ulo ko sa math. Eto ata ang tatapos ng buhay ko,grabe...

Nakayukong naglalakad ako sa hallway... San kaya masaya pumunta?

Aha! sa bookstore ni nanang. Bibili muna kong milktea then daretso na ko dun, namiss ko na rin si nanang at syempre yung ambiance ng store.

*Phone vibrates

Kinuha ko ang cellphone ko para icheck kung sino ang natawag.

09*******2

Sino naman to? Grabe yung number ko kung sino- sino nakakakuha.

Sinagot ko na iyon para makilala kung sino ang tumatawag.

"Hello?"

["Fei! nakauwi ka na?"]

Oh! Si sweet baritone voice, si Shaun pala...

"Nasa hallway palang ako, teka... pano mo nakuha number ko?"

["Hiningi ko kay Dustin. Intayin mo na ko diyan, give me 5 minutes."]

Bigla nalang naputol ang linya.

Hmm? Tsk...

*smile

Next time ko nalang dadalawin si nanang... Umupo ako sa waiting shed sa may loading station.

Di pa sumasapit ang limang minuto ay natanaw ko na si Shaun. Nang makita niya ko ay patakbo na siyang lumapit saken.

"Late ba ko?" tanong niya ng makalapit saken.

"Wala pang 5 minutes." nakangiting sagot ko.

"Nice, atleast di ka nag intay ng matagal." nakangiting sagot naman niya.

Napangiti nalang ako sa sinagot niya. Ewan ko ba, awtomatikong napapangiti ako kapag kaharap ko tong lalaking to. Ibang mood talaga dinadala niya para saken.

"Meryienda muna tayo?" pagtatanong niya sa gitna ng paglalakad namin.

"Tara! Dun tayo sa Mctea." excited na sagot ko.

Bigla naman siyang umiling.

"Huh?" nagtatakang saad ko.

"May ita try tayong bago. Masyado kang sanay sa pang mayamang pagkain. Tara..." nakangiting hinawakan niya ang kamay ko tsaka lumihis ng daan.

"San mo nanaman ako dadalin?" pagtatanong ko.

"Just trust me... I know you will like it." nakangiting sagot niya.

Habang papalapit kame sa pupuntahan namin ay unti- unti ko nang naaaninag ang lugar na patutunguhan namin. Crowded ang tao and I think, ito yung central city. Andaming street vendors and street foods. Dun naman sa may court sa gilid ay may mga nagsasayaw, ang aangas nga nila e.

"First time mong makarating dito no?" pagtatanong niya na tinanguan ko nalang. Busy ang mata ko para ilibot ang paningin sa paligid.

"Gala ka talaga no?" tanong ko sakanya tsaka siya nilingon.

"Gusto ko lang maiba yung surroundings ko kaya naglilibot ako..." sagot niya.

"Tara!" at muli nanaman niya kong hinila sa una naming pupuntahan.

*Crowd buzzzzzzzzzzz

Grabe ang ingay dito, iba't ibang klase ng tunog naririnig ko.

"Alam mo naman siguro tong banana cue, turon at maruya no?" pagtatanong niya habang isa- isang tinuturo ang sinasabi niya.

LOVE MAZE [COMPLETED]Where stories live. Discover now