CHAPTER 11

18 5 1
                                    

Feiya's POV

TUESDAY.

"Fei, kamusta? Nagawa ba ni Skie computer mo?" approach saken ni Zaimon nang makasalubong ako sa hallway.

"Hindi niya naman ginawa..."

"Bakit naman?" gulat na tanong ni Zaimon.

"Kase nilinis niya lang, madumi lang daw yung likod ng monitor kaya nag black out." paliwanag ko naman.

"Nice yon, edi makakapag cs na tayo?" halata sa mukha niya ang excitement habang tinatanong iyon.

"Hmmm... wala pa ko sa mood maglaro e, nagbabasa pa ko." sagot ko naman na napapaisip din.

"Kapag nanalo ka, libre ko lahat ng gusto mong kainin dito sa school." halos mag ningning naman ang mata ko ng marinig ang offer niya.

"Game! kailan ba? Now na ba?" excited na tanong ko sakanya kaya naman hinampas niya ang noo ko.

"Syempre mamaya, ano mag ka cutting ka nanaman?" sambit pa niya na tinawanan ko.

"Hoy! kundi dahil sayo di ako magkakaron ng absent. Hindi yon cutting no." sagot ko naman sakanya.

"Ganon din naman yon." bulong pa niya.

"Oyyyy! aga niyo naman mag date." nakangising sambit ni Louise habang papalapit samen.

"Inggit ka?" taas kilay na sambit ni Zaimon kay Louise.

"Hindi, ako lang kaya nakasayaw niya nung party. Proud ako don." nakangiting sagot ni Louise habang nakapamulsa ang isang kamay.

Huh? Hindi ba nila alam na naka sayaw ko si Shaun?

"Tsk! I don't care." walang emosyong sagot ni Zaimon.

"Uyyyy! naiinggit hahaha... Okay lang yan bro..." at tinapik tapik pa niya ang balikat ni Zaimon.

Napapailing nalang akong natatawa sa ginagawa niya.

"Bat naman ako maiingiit sayo? Meron naman akong nagawa kay Fei na di niyo alam..." sagot lang ni Zaimon tsaka naglakad palayo.

Hala, nag walk out ang kuya niyo...

"Pffft, nawala sa mood. My bad" natatawang sambit ni Louise.

Hinampas ko naman si Louise habang natatawa.

"Aga mo rin mang asar e no." tanging nasambit ko.

"I am born to pissed people hahahaha" at proud pa niyang sinabi yan.

"Pag naka hanap ka ng katapat mo, kalma yang kapilyuhan mo hahahaha, sige na papasok na ko... babush" kumakaway na sambit ko habang naglalakad palayo.

"See you around My Queen..." pahabol niya pa na natatawang inilingan ko nalang.

Pagpasok ko ng classroom ay bumungad naman saken si Skie na palabas.

"Ayyy, sorry..." sambit ko tsaka umatras.

"Good morning" nakangiting bati niya.

Napangiti naman ako ng makita siyang ngumiti.

His charcoal eyes are blooming like a sunrise.

"Good morning!" bati ko pabalik sakanya habang nakangiti.

Lumabas na siya ng room at pumasok naman ako.

"Eyyy! bat di ka nag o-ol? dami kong dm sayo e." approach saken ni Dustin habang naglalakad ako papuntang upuan ko.

LOVE MAZE [COMPLETED]Where stories live. Discover now