CHAPTER 15

18 1 0
                                    

Feiya's POV

After nang nangyaring kaguluhan samen nila Izzy ay marami ang nabago sa buhay namin. Unang- una na don ang tingin samen ng mga students sa school. May ibang natuwa, may ibang nagalit at may iba namang natatakot samen.

Dahil nga sa kaguluhang nagawa namin ay isang punishment ang natanggap namin nila Sana ganon din naman sila Izzy. 2 months naming lilinisin ang gym at field, every other day ang paglilinis namin dahil alternate kame nila Izzy.

Mabuti nalang at inamin ni Izzy na sila ang nagpasimula ng lahat pero di parin namin naiwasan ang bad record. Haist! natapos ako ng elementary at junior high ng hindi naga guidance, pero ngayon. Mag wa one month palang akong nag aaral ay nagkarecord agad.

Nadisappoint si mama sa nangyare kaya naman pinaliwanag ko sakanya ang lahat. Si Ki naman ay walang nabago sakanya dahil gawain naman niya talaga yon since junior high. Sanay na sakanya ang council, at dahil nga with highest honor si Ki ay hindi nila kayang pagalitan ng todo todo o tanggalin sa ano mang katungkulan meron siya dito sa school. Pero di parin naman siya nakaligtas sa paglilinis ng halos isang buwan.

Si Sana ang pinuproblema namin ngayon. Una ay college na siya at don pa nagkarecord. Ilang paper works ang binagsak sakanya kapalit ng pakikisali sa trouble namin. Siya kase ang pinaka matanda sameng lahat kaya sakanya napunta lahat ng sisi...

Pero ngayon, natapos na namin ang 2 buwan. And yes, andaming nangyari sa loob ng dalawang buwan. Isama na nga naten ang pagiging janitress namin dito sa school. Si Dustin, sinabi na niyang part na siya ng Bbz, not only the friendship of it but also a leader here in univ. Kaya pala laging busy ang kuya niyong bui lately.

Si Ki naman, nangunguna parin sa klase. At wala pa ring bago, nang aaway parin siya kapag di niya nagugustuhan ang isang tao o ang nangyayari.

Ako ngayon? Eto, mabuti naman. Hindi na ko pinag iinitan nila Izzy, actually nag ngingitian naman kame pag nagkakasalubong. Lately, mas nakakasama ko si Cassie dahil na rin sa pagiging busy ng squad.

Si Eithan, boybestfriend ko na siya. Nung una natatawa pa ko kase close naman kame pero bat kailangan pa magkaron ng label na best friend, ayun pala gusto niya lang magkaron ng kapatid na babae. At ayun nga ang turing niya saken. Well, tutal ay bunso ako ay tinuring ko na rin siyang little bro.

Si Louise, ayun kaaway ko ngayon. Bat daw kase si Eithan naging best friend ko tapos siya hindi. Ewan ko ba sa lalaking yon, ginagawang big deal ang bagay bagay e lahat naman sila kaibigan ko. Tiniis talaga ko ng loko, di ako kinakausap at pangatlong araw na ngayon.

And ang the rest sa Bbz ay mga close ko na rin, even David na akala ko di nagsasalita ay nakikipag asaran na rin sakin ngayon. Well! Sa loob ng 2 months ay andami nga talagang nangyari.

Ngayon ay naglalakad na ko pauwi, nakasanayan ko na lagi ang maglakad tutal ay malapit lang din naman kung tutuusin.

"Hoy babae!" boses palang niya ay alam na alam ko na agad. Nakangiti kong nilingon si Skie na ngayon ay naglalakad palapit saken.

"Bat di mo ko inintay?" nakasimangot na tanong niya.

"Di mo naman sinabing intayin kita ah?" sagot ko naman.

Ngayon ay masasabi kong close na talaga kame ni Skie. From being supladong masungit at atechonang yelo ay isa na siya sa mga ka vibes ko.

Naalala ko pa ang sinabi saken ni Shaun. Si Skie ay allergy sa mga babae, actually sakit yon nakalimutan ko lang yung term. Mahiyain siya pagdating sa mga babae at kapag napapalapit siya sa mga babae ay bigla nalang siyang mananahimik or what. Kaya masungit at suplado si Skie para walang lumapit sakanyang mga babae. Pero ngayon is okay nanaman siya. I think kaya na niyang makipag flirt hahahahaha...

LOVE MAZE [COMPLETED]Where stories live. Discover now