CHAPTER 45

22 2 0
                                    

Dustin's POV

Haist! May kanya- kanyang lakad nanaman ang squad. Ako ata nahuhuli sa agos ng mundo namin ah? Si Fei in a relationship na. Si Sana naman moving on. Si Hakki, ewan ko ba kung may girlfriend na ba yon o ano. Pero kinabi bisihan niya ang misteryosang babaeng yon.

Sa Bb'z naman, maayos naman silang lahat, except sa kapatid ko at kay Skie na busted. Pero si Zai di naman siya nanligaw so di pala siya busted. Si Jamin? Lagi namang busy yon, sa business nila at sa school. Wala naman atang balak pumasok sa lovelife yon ngayon.

And just to make it clear, hindi ko gusto si Sana. Malabong mangyari yon dahil sobrang nirerespeto ko yon bilang ate ko na rin. Kaya sorry sa kapatid kong si Fei na umaasang may chemistry kami ni Sana.

Yes she's beautiful, kind and lovely pero di talaga ko humantong sa puntong gugustuhin ko siya. She's not even my type of girl.

Si Louise at Leah naman? Mukhang strong talaga yung dalawang yon e. Cool lang sila at sa tingin ko baka sila na nga for the near future. Best wishes nalang para kay Eithan, deserve niya naman ng mas better dahil sobrang bait niyang tao.

Si David? Ayun mukhang nakaka move on na. Yun nga lang ang inosenteng tahimik dati turns into diabolic jerk, aish!

Di ko pa nga pala nakakamusta ang pinsan kong si Trisha. Kamusta kaya yon? Di ko alam ang buong katotohanan sa break up nila, alam kong mahal ng pinsan ko si Dave. At hindi naman haliparot yung pinsan ko para ipagpalit si Dave ng ganon- ganon nalang. At isa pa, isang David Manuel ipagpapalit niya pa? Ang shuga naman ng pinsan ko kung ganon.

Lahat sila may kanya-kanya ng kinaaabalahan, habang ako andito lang sa kwarto ko at nakahiga? Ang boring ko na ata talaga. Haist!

Kamusta kaya si Izzy? Kanina nag sorry siya sa squad and I felt her sincerity habang sinasabi yon. Siguro nga pagod nang maging demonyita yon kaya nananahimik na.

Makausap nga...

Agad kong binuksan ang cellphone ko at dumako sa messages.

To: Angelic Bitch
~Hey! how are you?

Asan kaya si Zaizai? Wala man lang sabi-sabi kung san pupunta. Makapag gala na nga lang sa buong city, wala naman atang balak mamansin tong si Izzy e.

After kong mag shower ay nag casual nalang ako at lumabas ng kwarto.

"Manang Angie, maglalakad lakad lang po ako." paalam ko sa tumatayong nanay namin dito sa mansyon.

"Mag iingat ka Dustin."

"Opo!"

Lumabas na ko ng bahay. Maglalakad lakad lang ako, bahala na kung saan mapapadpad.

*Phone vibrates

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinignan kung anong meron.

From: Angelic Bitch
~Is this Dustin?

Pffft! Di man lang niya sinave number ko? Grabe naman to.

To: Angelic Bitch
~ The one and only.

Napangiti ako nang mai send ang message na iyon.

May something talaga sa babaeng to na nakakapag bigay ng interes saakin. Di ko pa nga lang matukoy kung ano yon.

Habang naglalakad ay nadaanan ko ang mini park na ang sarap sarap talagang tambayan. Sobrang lalago ng halaman, ang mga bulaklak, ang kukulay. Yung mga palaruan naman halatang inaalagaan, mukha paring bago.

LOVE MAZE [COMPLETED]Where stories live. Discover now