CHAPTER 23

12 2 0
                                    

David's POV

Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay para kong bulang nag disappear sa school nang wala man lang paalam sa mga kaibigan ko. Ewan ko, dinaig ko pa bangag na namental black. Walang ibang laman ang isip ko ngayon kundi si Trisha. Si Trisha na minahal ko ng buong buhay ko. Si Trisha na dahilan kung bat nagmamahal ako. Si Trisha na dahilan kung bat nangangarap ako. Si Trisha na dahilan ng lahat ng ginagawa ko.

Damn it!

'David look, hindi na ko masaya sayo... pilit na pilit nalang lahat ng ginagawa ko. Hindi na kita mahal, mahirap bang intindihin yon?'

Parang sinasaksak ng paulit ulit ang puso ko sa tuwing maiisip ko ang binitawan niyang salita. Sa loob ng 5 years napipilitan nalang siya? Sa loob ng 5 years naglolokohan nalang kami? Sa loob ng 5 years ako lang pala yung nagmamahal. Sa loob ng 5 years.... b*llshit!

'Please David pakawalan mo na ko, sakal na sakal na ko sayo!'

Wala naman akong ginawa para masakal siya. Hinahayaan ko siyang gawin lahat ng gusto niyang gawin. Sinusuportahan ko siya sa lahat ng gusto niya. Paanong nasakal siya?

Napayuko nalang ako sa study table. Gusto kong umiyak pero mukhang naubos na lahat ng tubig sa katawan ko. Gusto kong magalit gusto kong magwala pero bat hindi ko magawa...

Matawagan na nga lang si Ki.

*Dialing

["Oh?"] mukhang naistorbong sagot ni Ki.

"Asan ka?"

["Bahay malamang"]

Agad ko namang pinatay ang cellphone tsaka kumuha ng jacket at lumabas ng kwarto.

Pupuntahan ko nalang si Hakki. Siya lang ang mapaglalabasan ko ng lahat ng to dahil siya lang naman ang nakaka alam ng buong istorya namin ni Trisha. Una sa lahat, siya ang dakilang matchmaker namin.

Pinaandar ko na ang engine at mabilis na pinatakbo ang kotse papunta sa bahay nila Ki.

Mga minuto palang ang lumilipas ay nakarating na ko kila Hakki. Agad akong pinagbuksan ng gate at sinalubong ng mga maids nila.

Dare- daretso lang akong pumasok sa mala bonggalong bahay ng kinakapatid ko. Kahit na binabati ako ng mga maids ay di ko nalang sila pinansin.

Nadatnan ko si Ki sa living room na nilalaro ang mga hamsters niya. Tsk! eto nanaman tong mga dagang to.

"Ki!" tawag ko sakanya kaya naman siya lumingon.

"Oh? ginagawa mo dito? bat ganyan itsura mo?" tanong niya habang pina pat ang isa niyang hamster.

Tinignan ko naman ang sarili ko.

"Bat, anong mali sa itsura ko?" pagtatanong ko pa habang nakatayo parin malayo sa mga hamsters niya.

Ayoko sa mga dagang alaga niya, cute lang tignan pero creepy.

"You're weird. Gabing gabi na naka uniform ka pa? And look, ang messy mo tignan. Dinaig mo pa naglasing na heart broken." sambit niya tsaka nilagay sa kulungan ang hamster na hawak niya.

Wala talaga siyang idea sa nangyari samin.

"Itapon mo na yang hamster mo, di ako makapunta diyan." sambit ko sakanya.

"Ikaw kaya itapon ko. Mas mahal pa buhay nito sa buhay mo no." pagtataray na sambit niya tsaka binitbit ang hamster palayo kaya naman nakaupo na ko sa sofa at sinandal ang ulo.

Haist!

"Hoy! anong itsura mo? Anyari?" pagtatanong niya tsaka umupo sa solo sofa.

"Break na kami ni Trisha." nakapikit na saad ko.

LOVE MAZE [COMPLETED]Where stories live. Discover now