CHAPTER 33

15 1 0
                                    

Sana's POV

5:33 PM.

Habang busy ako sa pag bu beauty rest at paghihilamos ng mukha ay narinig kong tumunog ang cellphone ko. Dali dali ko naman itong kinuha at chineck.

From: BOYFRIEND❤
~Babe, let's meet.

Pagkabasang- pagkabasa ko ng message ni Laurence ay isang malaking ngiti agad ang sumilay sa mukha ko.

Dahil sa sobrang busy naming dalawa ay madalang nalang kaming magkita at mag usap. Kaya naman pag nag aaya siya ay sobra ang pagdiriwang ng puso ko sa tuwa.

Tinuloy ko na ang pag bu beauty rest ko at nang matapos ay inayos ang sarili.

Siguro mag di dinner kame ngayon, I will wear my best dress para sa minamahal ko.

After doing my make up ay sinuot ko na ang pink dress ko ganon din ang sandals, di na ko mag hi heels dahil after kumain ay hobby na namin ang maglakad sa city habang nagke kwentuhan.

I look at the mirror for  my final retouch pagkatapos ay kinuha na ang bag ko at lumabas ng kwarto.

"Nay, aalis lang po ako. Nag aya po kase si Rence e." pagpapa alam ko kay nanay na busy nanaman sa laptop niya.

"Mag iingat kayo..." pahabol niya.

Tutal ay nandito si nanay meaning nandito rin ang kotse, kung sa gayon ay hindi ako mag co commute. Mabuti naman, bawas gastos.

"Kuya, dating place po..." sambit ko kay kuya Ben na driver namin tsaka sumakay sa passenger seat.

On the way palang ay di na mapalagay ang sarili ko sa tuwa. Cause after a couple of months ay makikita ko na uli ang future ko.

We're 3 years in a relationship and I can say na siya na talaga ang the one ko. Nag iipon nalang kame for our dreams then kapag na accomplish na namin lahat ay marrying stage na kame and ready na magka family. Sine secure lang namin ang future namin ngayon.

After a couple of minutes ay nakarating na kame sa restaurant na lagi naming kinakainan ni Laurence. This restaurant witness everything about our relationship.

"Kuya wag niyo na po ako sunduin, kasama ko naman po si Rence." nakangiting sambit ko kay kuya Ben at excited na bumaba ng kotse.

Muli kong inayos ang sarili ko and sinuklay ang laylayan ng buhok ko gamit ang mga daliri. I need to look beautiful everytime na magkikita kame, para at least kung di man kame uli mag kikita ng matagal ay magandang itsura ko ang naaalala niya.

Nakangiti akong pumasok sa restaurant at agad akong sinalubong ng staff.

"Ma'am Sana, nasa VIP room po si sir Laurence." sambit nito saakin at nilahad ang daan patungo sa kinaroroonan ng boyfriend ko.

Pilit ko namang kinakalma ang sarili ko at kino control ang pag ngiti ko.

Shaaaaaaaaks! bat may pa VIP room na siya ngayon. Halo halong conclusion na naglalaro sa utak ko. What if mag propose na siya? What if arghhhhhhhh! I can't wait to see him.

Iniwan na ko ng staff nang makarating kame sa pinto ng kwartong kinaroroonan ng mapang aasawa ko.

Okay! Inhale... Exhale...

Kalma lang Sana, kalma lang muna...

Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko na agad siyang nakaupo sa table namin kaya naman agad ko siyang niyakap at kinissan sa cheeks.

"I miss you so much..." nakangiting saad ko tsaka umupo sa harapan niya.

Isang ngiti lang naman ang sinukli niya saken na nagpakalma ng mga electrons sa katawan ko.

LOVE MAZE [COMPLETED]Where stories live. Discover now