CHAPTER 19

18 2 0
                                    

Feiya's POV

SATURDAY.

At dahil walang pasok ay binalak kong bisitahin si Dustin dahil namimiss ko na ang kuya ko. Sobrang naging busy talaga siya ng buong 2 months, parang nagbago mundo niya. Kaya ngayon, mambubulabog muna ko sa bahay nila. Sure naman akong nandon si mommy dahil rest day ngayon.

*Ding- dong

Narinig ko naman ang pagbukas ng gate. Grabe namiss ko tong mala mansiong bahay nila Dustin. Di maikakaila na mayaman talaga sila, pero di yon halata sa pamilya nila sa sobrang down to earth nilang tao.

"Ma'am Feiya kayo po pala, pasok po kayo..." sambit saken ng isang katulong nila kaya naman pumasok ako.

"Nasa kusina po si madam, si sir Dustin naman po ay natutulog pa." sambit muli ng katulong habang papasok kame sa bahay.

"Hindi na po bago saken yun..." nakangiting sambit ko.

Pagpasok ko ng bahay ay abala sa paglilinis ang mga kasambahay, nang makita nila ko ay nag bow sila at ganon din naman ako. Kilala na ko ng mga tao dito dahil katulad nga ng sinabi ko kapatid ko si Dustin. Not by blood but by heart.

Nakita ko si mommy na nag pe prepare ng breakfast sa dining area katulong ng ibang kasambahay.

"Good morning po!" masayang bati ko sakanila tsaka lumapit kay mommy at nakipag beso. Binati ko rin ang ibang katulong na nandon.

"Feiya, buti naman at napadalaw ka.. Ayun ang kuya mo tulog na tulog pa. Late na kaseng umuwi kahapon." sambit ni mommy habang nag re ready ng pagkain.

"May matutulong po ba ko?" pagtatanong ko naman at tinignan ang mga hinahanda nila.

"Umupo ka nalang dyan, sakto at kakain na tayo." sambit ni mommy tsaka hinila ang upuan senyales na pinapaupo niya ko.

"Manang, pagising naman po sila Dustin." utos ni mommy kay manang Angie na nanay- nanayan namin ni Dustin.

Hmmmm! ang bangoooo...

"Btw, nagluto nga pala ko ng champorado. Favorite mo yun di ba?" isang malaking ngiti naman ang natanggap saken ni mommy.

Isa talaga sa dahilan kung bat gusto ko ring nandito ako ay nai spoiled din ako kay mommy hahahaha...

Masaya kong tumango kaya naman pinakuha niya ito sa isang katulong.

"Myyyyy! Si Zaimon sa higaan ko natulog, nakakainis e..." napalingon naman ako sa padating na si Dustin na mukhang kakagising palang ay badtrip na.

Si Zaimon?

Nilingon ko si mommy na nakangiti lang.

"Andamot mo oyyy, nung isang araw nga natulog ka sa kwarto ko. Nagreklamo ba ko?"

Gulat akong napalingon nang marinig ang boses ni Zaimon.

Magkasama sila? Sa iisang bahay? Paano?

Kusot- kusot matang nakarating si Dustin sa dining habang si Zaimon naman na naka topless, agad akong lumingon sa gawi ni mommy para makaiwas ng tingin kay Zaimon.

Napalunok nalang ako, can't deny it. He really have a perfect shape of masculine body.

"Zaimon magbihis ka nga muna, may bisita tayo." sambit ni mommy sa tonong pinapagalitan si Zaimon.

"Shet!"

"Sh*t!"

Rinig kong gulat na bulalas ng dalawa.

LOVE MAZE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon