CHAPTER 10

20 3 0
                                    

Feiya's POV

LUNCHTIME.

"Grabe, sumakit ulo ko sa math..." nakasapo sa ulong sambit ko kay Dustin habang naglalakad papuntang cafeteria.

"Lintek e, naka ilang papel ako para sa solution pwede naman pala I short cut yon." naiirita namang saad ni Dustin.

"Wow! buti ka nga ayan lang problema mo e, e ako di ko nga maintindihan kung pano kukuhain ang sagot." sambit ko naman sakanya.

"Aba! kung nagtatanong ka kaya para maturuan kita."

"Nakakatakot kaya si sir, di nga ko maka alis sa upuan ko e."

"Pag bumagsak ka, itu tutor kita bayad milktea."

"Grabe naman to. Ang yaman yaman mo na nambuburaot ka pa."

"Oy! di pambuburaot yon. Tawag don part- time job."

"edi ikaw na workoholic hahahaha"

"Eyyyy! President Obama, nice meeting you." natawa naman ako sa pag approach ni Jamin kay Dustin.

Anlakas ng boses niya kaya naman napukaw niya ang atensyon ng mga estudyante sa hallway.

"Lintek ka Jamin. Pwede mo naman akong batiin pero wag mo naman ipagkalandakan pang aasar mo." natatawa- tawang sambit ni Dustin.

"Eh sa proud akong kaibigan ko ang presidente ng U.S." nakangiti pang saad ni Jamin.

"Nako po..." naiiling iling na sagot ni Dustin.

"Uyyy Feiya, congrats a... Queen Of The Night, angas talaga..." bati naman ni Jamin tsaka nang alok ng pakikipag appear. Sinalo ko lang ito ng fist bump.

"Ano kayang maangas don e..."

"Maangas yon kase kapartner mo si Skie, kaso nawala ka naman bigla. Bat ang aga mo umuwi nung Sabado?" sambit pa ni Jamin. Nadi distract naman ako dahil sa pagpapacute ni Eithan sa likod habang kumakaway kaway... Naririnig ko namang napapa chuckle si Dustin.

"Ahhh... sumama kase pakiramdam ko non." sagot ko naman.

"Sumama rin pakiramdam ni Skie hahahahaha" sagot lang ni Jamin.

Ahhh, wala kong pake don... Hahahahaha

Napalingon si Jamin sa likod dahil narin siguro sa curiosity kung bakit nagpipigil kame ng tawa ni Dustin.

"Oyyy kaibigang Than- Than, ano nagpapacute ka kay Feiya?" pang aasar na bati ni Jamin kay Eithan tsaka ito inakbayan.

"Magbigay pugay sa isang reyna..." sambit ni Eithan tsaka nag bow sa harap ko.

"Anlakas ng amats mo hahahaha" natatawang sambit ko.

"Grabe naman Fei, parang nahihiya na tuloy akong dikitan ka..." mapang asar na sambit naman ni Dustin.

"Sige sakyan mo pa, hahahaha"

"Nasaan ang hari? narito na ang reyna, ilabas ang hari..." sabi pa ni Eithan gamit ang isang makapal na boses.

Natatawa lang naman ako sa pinag gagagawa niya.

"Mahal na reyna saan ho ba ang inyong punta?" tanong pa ni Eithan.

"Tumigil ka nga kakareyna, di bagay e hahahaha" sabi ko naman sakanya.

"Bagay kaya, reyna ng ka cute-an..." nakangiting sabi ni Eithan.

LOVE MAZE [COMPLETED]Where stories live. Discover now