CHAPTER 9

17 4 0
                                    

Feiya's POV

Monday agaaaaaaaaaaaain, Good morniiiiiiiiiiiiing! Excited akong kumilos, andami kong ichichika kila Dustin. Same routine ako sa aking magandang umaga, habang nag aayos sa salamin ay nakita ko ang lip tint na binili sakin ni Shaun kagabi, magamit nga...

Yan, perfect! Chineck ko pa ang itsura ko sa salamin sa huling pagkakataon at ng matapos ay bumaba na.

"Ma alis na po akooooo..." pagpapa alam ko habang pababa ng hagdan.

"Hindi ka ba muna kakain?" pagtatanong ni mama mula sa dining area.

"Sa school nalang po, babye mwah." at saka ko lumabas at sumakay sa kotse. Sumabay ako kay ate kaya naka free service ako ngayon.

"Aga mo ata ngayon?" bating tanong sakin ni ate habang nag da drive.

"Di ko rin alam e, mahalaga nagising..." nakangiting pagbibiro ko kay ate.

"Btw,  I like your lip tint ang simple tignan..." puri niya.

Ngumiti lang ako kay ate.

Agad akong bumaba at nagpaalam kay ate ng makarating sa university.

Nakangiti akong naglakad papunta sa room. Naninibago man sa atmosphere ay nagpatuloy ako sa paglalakad. Bat sila tingin ng tingin? Pagpasok sa room ay agad ko namang nakita si Dustin na nakikipag kwentuhan kila Vin. Dumaretso muna ko sa upuan ko para ibaba ang bag ko.

Napukaw naman ang atensyon ko sa isang librong nakapatong sa upuan ko. Nakaribbon pa ito ng pink at may note na nakasulat. Kinuha ko naman iyon.

'For Feiya's eyes only'

Pffft... ang corny hahahaha. Hinarap ko ang libro para makita ito.

*Surprise

The Woman in Black... Sandali kong pinagmasdan ang libro, Omygooooooosh! Muli kong tinignan ang libro harap at likod. Omygoooooooosh! Eto nga yon. Eto nga siyaaaaaaaaaaa.

Eto yung librong gusto kong basahin at bilhin kahapon. Kaso nga lang may epal na kumuha. Pero okay lang kanya na yon, meron na ko hihihihi😍

Pero teka, kanino naman galing to? At sino naman magbibigay sakin nito? Si Skie? Omygosh, naawa ba siya sakin kaya ngayon binibigay na niya? Or di niya bet basahin kaya binigay nalang niya?

Hinanap ko agad si Skie sa pwesto niya. Wala pa siya, mamaya ko na nga lang itatanong sakanya... No! bat naman ako magtatanong di ba, saka nakipagtalo't nakipag agawan siya sakin kahapon kaya imposibleng sakanya galing to.

Hmmmm... bahala na nga lang... Nilagay ko lang sa bag ang libro saka lumapit kina Dustin.

"Uyyyy Feiya, congrats ahhh..." bati ni Vin ng makarating ako sakanila. Sinalubong pa niya kk ng magarbong appear na sinalo ko naman ng fist bump.

"Well well well, nandito na po ang queen." sambit naman ni Shane at kunwaring nagpatong ng korona sa ulo ko.

"Wala iba talaga pag Feiya, hahahaha" sambit naman ni Nicole.

"Huh?" tanging nasambit ko.

"Girl ikaw ang Queen of the Night. Then si Skie yung King kaso nawala ka agad kahapon kaya di na kayo nakapag picture at slow dance." pagpapaliwanag ni Cassie na parang galit pa.

"Ahhhh..." napatango- tangong sagot ko.

"Pinagpe pyestahan na kaya kayo sa twitter, di mo ba nakita?" Pagtatanong naman ni Anne.

"Di ako nakapag social media kahapon e" sagot ko naman.

"Congrats Sibs, btw Darling of the Night si Ki." bulong naman ni Dustin na nakapag pabuhay sa dugo ko.

LOVE MAZE [COMPLETED]Where stories live. Discover now