CHAPTER 36

14 2 0
                                    

Dustin's POV

It was a great day for everyone. Ang smooth lang ng mga pangyayari, lalo na ang tamang pag lalaptop ko dito sa likod dahil panay lang naman ang kuda ng teacher namin.

Sa totoo lang nakaka antok na yung boses niya isama mo pa ang napakatahimik at malamig naming lugar. At dahil nga nandito ko sa dulo at nasa sulok pa ay hindi na niya ata nararamdaman ang presence ko, or maybe di niya alam na nag e exist ako as his student.

"That's all, see you tomorrow."

Kasabay ng pagpapaalam ni sir Al ay ang pagsara ko sa laptop ko.

"Tibay a..." nakangising saad saken ni Skie.

"Naman, ako pa ba..." sagot ko pa sakanya na kala mong nagyayabang.

Di naman ako proud sa ginawa ko pero nakakaboring na kase at puro siya kuda. Di naman sa pagmamayabang ay alam ko nanaman ang mga pinagsasa sabi niya.

"Oy sibs! san punta mo?" pagtawag ko kay Fei na nilagpasan lang kame ni Skie.

"Ah..." nauutal pa siyang tumingin samin ni Skie.

Anyare dito?

"Ah... sa cafeteria, break na di ba?" halatang nag aalibi na saad ng mabait kong kapatid.

Di talaga marunong magsinungaling to, halatang halata e.

Agad ko naman siyang inakbayan.

"Okay ka lang? Lagi naman tayong sabay pumuntang cafeteria ah, bat ngayon lalampasan mo kame?" nakangiting pagtatanong ko naman habang naka akbay sakanya.

"Hehehe, akala...ko...kase... nauna na kayo" pagsagot pa ni Fei na nahihiya dahil nabisto siya sa ginawa niya.

"Ahhh... talaga ba, osige... kunwari naniniwala ako..." pang aasar ko pa sakanya na siniringan niya lang.

"Btw, Skie... usap- usapan yung bookstore mo a, may nag take kase ng picture at finlex iyon sa twitter." pagbubukas ko ng topic habang naglalakad kame sa hallway papuntang cafeteria.

"Hmm? may nag take ng picture?" gulat at di makapaniwalang tanong ni Skie.

"Yeap! may caption pa nga e, FeiSkie's Booktore. Ano yon?" pagtatanong ko sakanilang dalawa.

Gulat naman silang napatingin saken.

"Hindi ba dapat ako ang magulat, sainyo palang dalawa yon..." sambit ko pa sakanila.

"Hindi ah, kay Skie lang yon." pagsagot ni Fei na tila ba tinatanggihan ang ideyang sinabi ko.

Si Skie naman ay dumaretso lang ng tingin at hindi ako sinagot.

Hmmm, ang weird naman non?

Kadalasan pag magkakasama kame pinagtutulungan nila kong dalawa. E bat ngayon ang tahimik nila? Tas etong si Skie, dating gawi... Ayan nanaman siya sa aura niyang cold.

"May di ba ko alam?" pagtatanong ko sakanila tsaka tumigil sa paglalakad.

Blanko akong tinignan ni Fei habang si Skie naman ay naka poker face lang at nakataas ang isang kilay.

Di naman ako nagpatalo at nag cross arms ako sa harapan nilang dalawa.

"Pffffft!"

Napakunot naman ako ng noo nang biglang mag chuckle si Fei.

"Malamang meron kang di alam, kame rin naman di alam lahat sayo " natatawa pang sambit niya.

Aba! pinipiloso pa nga ako.

LOVE MAZE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon