"Huwag mong titigan, buksan mo," he commanded. Amusement in his voice.

"Hindi mo kailangang bigyan ako nito, Romano. Sapat nang narito ka. Besides, you already gave me—"

"Open it, sweetheart."

She shrugged her shoulders at saka dinampot ang kahita at unti-unting binuksan.

"Oh!" hindi niya mapigil ang mapabulalas nang malakas sabay ng pagsalubong ng mga kilay at lingon sa binata. Ang naroon ay isang pares ng eighteen karat white gold band ring. Bawat singsing ay may limang batong brilyante, in princess cut.

"Binili ko iyan bago ako umuwi," tahimik na wika ng binata na ang mga mata'y hindi humihiwalay sa mukha niya. Tila ba pinag-aaralan ang bawat ekspresyon ng kanyang mukha.

"W-what does this mean?"

"What does a pair of wedding ring mean?" ganting-tanong nito, amusement in his voice.

"W-wedding ring..." she parroted stupidly. Her heart thudded violently in her chest.

Inabot ni Romano ang kamay niya at ikinulong iyon sa mga palad nito and said softly. "Will you marry me, Bobbie?"

"M-marry you..."

Napangiti si Romano. "Are you going to keep on repeating everything I said?"

"Yes. No! I mean..." sinalubong niya ang mga mata nito. "Are you serious?" nalilitong tanong niya. "I t-thought you have responsibilities with your parents and—"

"So?" muling agap nito. "I am marrying you and fulfill my responsibilities at the same time. I will have to marry sometime and I'd rather do it now. Sa ikalawang pagkakataon, Bobbie, will you marry me?"

"Yes! Yes... yes!" she almost shouted happily.

DALAWANG linggo pagkatapos ng araw na iyon ay nagpakasal ang dalawa sa Paso de Blas. Isang simpleng civil wedding dahil nag-aapura si Romano na makasal sila kaagad. Muli ay isang miyembro ng pamilya ang ikinasal ng matandang si Judge Adriano.

Nanatili sa Paso de Blas ang mag-asawa nang isang linggo para sa kanilang honeymoon. Iyon ang pinakamaliligayang araw sa buhay ni Bobbie na sa kaisipan ay umaasang wala nang katapusan.


They made love anywhere... everywhere. At sa lahat ng pagkakataong iyon ay walang natatandaan si Bobbie na hindi siya nabigyan ni Romano ng kasiyahan. Maging iyon man ay sa tabing-dagat, sa batis, o sa loob mismo ng silid nila.

At nang umalis si Romano pabalik sa America ay kasama na si Bobbie. Naroon si Romano upang magtapos ng masteral nito at kasabay na rin niyon ay magtatrabaho sa branch ng Kristine as managerial apprentice kasama ang mga top executive na parehong mga Amerikano at Pilipino.

"ROMANO, darling!" excited na bungad ni Joanna pagkapasok sa opisina ng lalaki. "Bakit hindi mo itinawag na darating ka? Sana'y nasundo kita sa airport."

"Grandma and Aunt Ruby collected us at the airport, Joanna," sagot ni Romano and smiled faintly.

Tuloy-tuloy na umikot si Joanna sa kinauupuan ni Romano at ikinawit ang mga braso sa leeg nito at humalik sa mga labi.

"What took you so long in the Philippines, darling. I missed you so much..."Si Bobbie na nasa sulok at nagmamasid sa mga naroong picture frames ay nanlaki ang mga mata sa pagkakatitig sa asawa at sa babae.

"Hmm... Joanna," ani Romano na hinawakan ang dalawang braso ng dalaga at banayad na itinulak palayo. "I would like you to meet Bobbie..."

"Who?" Sinundan ni Joanna ang hinayon ng mga mata nito. Ang nakita nito'y ang isang tila teenager na nakatayo sa sulok. Bobbie was wearing her retro blue jeans and sneakers, a blue top tank and her hair in ponytail. Matamis siyang nginitian ni Joanna.

"Oh, she must be one of your pretty cousins. Hello, there."

Napaangat ang mga kilay ni Bobbie sa narinig. She didn't think she'd met all of Romano's "pretty cousins." At napagkamalan siyang isa sa mga iyon. At bago siya may maiusal ay naunahan na siya ni Romano.

"Bobbie's my wife, Joanna. We were married almost two weeks ago."

"Wife!" Bigla ang baling ng tingin ni Joanna kay Romano. "She's your wife?!"

Muntik nang mapabunghalit ng tawa si Bobbie sa pagkagulat at disappointment sa mukha ng babae. Bagaman gusto niyang humanga sa pagmintina nito ng poise sa kabila ng lahat. 

Pagkatapos ng pagkabigla ay agad nakabawi si Joanna. She congratulated them both with grace. Gayunman ay hindi maitatanggi ang pait at galit na manaka-naka ay gumigitaw sa mga mata nito sa durasyon ng pag-uusap nila nang araw na iyon.

Kristine 15 -Romano 2 (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now