CHAPTER SIXTEEN: That One Unforgettable Day

Start from the beginning
                                    

"Ano nga pala ang gagawin ni Taehyung?"

Natigil sila sa pagnguya matapos ma-realize na hindi nila nabigyan ng task si Taehyung. Pare-pareho silang hindi makapaniwala na nakalimutan nila si Taehyung sa pagp-plano.

"Hmm, tutulong na lang din siya sa amin ni Namjoon sa pagde-decorate. Kailangan niyo pa ba ng tulong, Jin?" tanong ni Hoseok pero umiling lang si Jin at sinabing kaya na nila ni Yoongi.

"Great, excited na ako!" wika ni Jimin habang pumapalakpak.

Muli nilang tinuloy ang naudlot nilang kwentuhan hanggang dumating si Jungkook na gulat na makita sila. Binati niya ang mga ito at ganoon din ang ginawa nila sa kaniya.

"What is it?" bungad ni Jungkook sa kanila matapos mapansing bigla silang tumahimik ngunit parang may gusto ring itanong sa kaniya. "May problema ba?"

"Nasaan si Taehyung, Kookie?" tanong ni Jimin at sumulyap sa likod ni Jungkook.

"Ah, umuwi na. Hinatid niya lang talaga ako rito, inaya ko ngang pumasok pero tumanggi na siya kasi may gagawin pa raw siya." sagot ni Jungkook at tumango-tango naman ang iba. "Magpapalit lang ako ng damit." paalam ni Jungkook pero bago pa man siya makaakyat sa hagdan ay muli siyang tinawag ni Jimin.

"Saan nga pala kayo galing ni Taehyung?"

Saglit na natigilan si Jungkook habang hindi mapigilan ang pagtataka lalo na't napapansin niyang nag-aabang ng sagot ang mga kaibigan niya.

"Sa bahay nila. Hindi raw kasi siya maka-focus sa dami ng tao kapag sa café."

Napanguso si Jin at bumuntong hininga habang malapad ang ngiti na gumuhit sa labi ni Jimin. "Okay. Magpahinga ka na, Kookie. Aalis na rin naman kami pagkatapos nito."

"Thank you. Mag-iingat kayo." tipid na ngumiti si Jungkook bago binagtas ang daan papunta sa kwarto niya.

Nang tuluyang mawala sa paningin nila si Jungkook ay agad na tumawa si Jimin habang nakasimangot naman sina Yoongi, Jin, Hoseok at Namjoon.

"Ha, I knew it! Sabi ko naman sa inyo, nasa bahay sila ni Taehyung!"

"Madaya! Baka tinext mo si Taehyung!" reklamo ni Namjoon ngunit tinaasan lang siya ng kilay ni Jimin at dinipensahan ang sarili.

Nagpatuloy sila sa pagbabangayan at nakisama na si Jin at Yoongi ngunit ang buong atensyon ni Hoseok ay naroon sa dinaanan ni Jungkook. Hindi niya mapigilang mag-alala lalo na't nararamdaman niyang may mali rito. Kilala niya si Jungkook at madalas ay nakangiti talaga ito tuwing nakakauwi na sila galing sa eskwelahan kahit pa napagod sila buong araw.

Nakangiti rin naman siya kanina ngunit alam ni Hoseok na pilit lang 'yon. Tuloy ay hindi siya mapakali at hindi siya makapaghintay na tanungin si Jungkook kung ano ang nangyari.

~♡~

Dahan-dahang naglakad patungo sa balkonahe si Jungkook at pinagmasdan ang tanawin na nasa harapan niya. Laking pasasalamat niya na ito ang bahay ni Hoseok dahil kitang kita niya mula sa kinatatayuan niya ang city lights sa ibaba na talagang nagpapakalma sa kaniya.

Napapikit si Jungkook at dinama ang malakas na bugso ng hangin habang pilit na winawaksi sa isipan niya ang natuklasan niya kanina. Buong byahe ay walang umiimik sa kanila ni Taehyung at naisip niya na lang na baka napagod ito kaya hindi na lang din siya sumubok na magsalita. Isa pa, maraming tumatakbo sa isipan ni Jungkook noong mga oras na 'yon at hindi niya alam kung ano bang uunahin.

Nang imulat niya ang mga mata ay hindi niya alam kung bakit bumungad sa kaniya ang drawing ni Taehyung. Hindi mawala-wala sa isipan niya ang bawat detalye kahit pa saglit niya lang 'yon tiningnan, maging ang reaksyon ni Taehyung habang nakatingin sa sarili niyang obra ay hindi mawala sa isipan ni Jungkook.

In Another Life | TaeKookWhere stories live. Discover now