Beloved 01

12 0 0
                                    


Pageant

Aliyah's pov

Napatakbo agad ako nung mag bell na...

Naku late na naman ako neto, kainis naman kase yung traffic!

Ano ba gagawin ko? siguradong malapit nang magsimula yung pageant at nagpe-prepare na sila dun.

Dali dali akong umakyat ng hagdan, nakakapagod dahil nasa 4th floor pa ang make up room ng mga candidates, pero kailangan ko na talagang bilisan...

Pagkarating ko sa may pinto ng room ay agad na akong napanatag nang makita kong simula palang silang nagme-make up ng iba pang candidates sa pageant.

Nako, buti na lang talaga...

"Aliyah, buti nandito kana, halika na aayusan kana namin" pinalapit agad ako ni ate zenny.

Lumapit na 'ko at umupo, agad na nila 'kong inayusan.

"Dala mo na ba lahat? yung susuotin mo?" dagdag niya.

"Nadala ko na lahat, sige na simulan na natin" sagot ko.

"Naku, akala ko di ka na makakarating aliyah, salamat ha" ani pam at tumingin sa repleksyon ko sa salamin.

Tumulong din siya kay ate zenny na mag make up sa'kin.

"Wala yun, alam kong kailangan nating manalo dito" tinignan ko rin siya sa repleksyon ng salamin.

Nakita ko sa salamin ang reflection ng mukha ni ate zenny na nakatitig at napangiti pa sakin, with that look, i know she understands what i feel.

Kailangan kong manalo dito, para sa pagpapagamot ng lola ko.

Kase yung lola ko, siya yung the best!

Halos kalahating oras na ang nagtagal sa pagaayos ng mga contestants, nag-prepare narin sila para sa magaganap na Q&A mamaya.

At ako, heto, medyo kinakabahan parin, pero kailangan ko parin tong gawin, kaya pinipilit kong maging positibo, para na rin 'to sa future ko.

Mayamaya pa ay nagsimula nang rumampa ang unang mga kandidato, nang pangatlong kandidato na ang lumabas ay lumapit sakin sila ate zen at pam.

"Patingin nga" tingin ni pam.

"Perfect na" tingin din ni ate zenny.

Tinignan ako ni pam ng may pagtataka."Pero zenny, zenny oh, parang may kulang pa" ani pam na parang nag iisip habang naka head-to-toe ang tingin sa'kin...

Ikinataka ko naman ang sinabi niya kaya tinignan ko rin yung sarili ko.

"W-wala naman ha?" baling ko sa kanila.

Napangisi si ate zenny at lumapit sakin, hinarap niya sa kanya ang mukha kong puro tingin sa baba kung meron bang dumi o kung ano...

"Smile, yun lang kulang" aniya at hinawakan ang cheeks ko.

Napasmile nalang ako...

"Ayarn, perfect na" wika ni pam nang makita na ang wide smile ko.

"Ikaw naman kase girl, kung makatulala ka dyan para ka nang estatwa, baka di kana makagalaw niya ah?" dagdag niya.

The True BelovedWhere stories live. Discover now