Beloved 10

0 0 0
                                    

Knowing Him

Zenny's pov

"Kuya, pabili nga po ng ice cream" nilahad ko kaagad yung bayad.

Tinignan ko si aliyah at napatanong sa kanya.

"Pagod ka na ba? Gusto mo na bang umuwi?" Tanong ko.

Umiling siya,"Hindi ate, okay pako, gusto ko pa nga mag-ikot dito eh" sagot niya.

Tumango nalang ako sa kanya, binigay na sa'kin yung ice cream at binigay ko yung isa sa kanya...

Pagkatapos ay naglakad lakad na kami...

Naglibot ako ng tingin."Saan mo pa gusto pumunta?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko na alam, maglakad nalang muna tayo dito 'te" aniya at nagpilit ngiti...

Gaya nga ng sinabi niya ay naglakad lakad nalang kami at nag-usap, pero pagkatapos ng ilang minuto ay napatingin ulit ako sa kanya...

Napayuko siya habang kumakain, parang may iniisip...

"Hay" aniya at napabuntong hininga...

T-teka, yung itsura niya...

Bakas yung lungkot sa mga mata niya...

Itsura palang ay gets ko na kung saan nanggagaling yun.

Gusto ko talagang humingi ng pasensya sa kanya...

"Aliyah...ayos ka lang ba?" Tanong ko.

Tumingin siya sa'kin, tumango siya at nagpilit ngiti. "Okay lang ako ate" aniya.

Pero...hindi yon yung nakikita ko...

Napayuko nalang din ako habang naglalakad...

Sobrang nalulungkot din ako para sa kanya.

"Hay nako, kasalanan talaga to nung stephen na yun eh! Hayaan mo't makakatikim talaga siya sa'kin-"

"Ate, ayan ka na naman eh, wag mona siya pagtangkaan ng ganun" putol niya sa'kin.

Napatahimik nalang kami habang naglalakad...

"S-sorry talaga ha?" Simula ko habang nakayuko pa'rin.

Napakibit balikat ako."K-kung nalaman ko lang talaga nung gabing yon na hindi siya papayag, sana di ko nalang pinasulat sa kanya yun, hayst" dismaya ko sa sarili.

Napatingin siya sa'kin."Ano ka ba ate, ayos lang yun, tsaka...wag mo nang sisihin sarili mo no" aniya.

Nagpilit ngiti ko sa kanya.

"Wala naman din akong magagawa kung...ayaw niya talaga" dagdag niya, nagpilit ngiti siya.

Ramdam ko yung lungkot sa boses niya.

"Pasensya na talaga" ulit ko pa.

Tuloy nalang ulit kaming naglakad...

Tinignan ko ulit siya, bakas parin sa mukha niya ang pagkalungkot...

Hay nako, ganyan ba talaga kapag nakilala mo yung isang tao tapos nagustuhan mo na agad?

Ano ba kasing nagustuhan ni aliyah sa kanya?

"S-sorry"

"P-pasensya, sorry talaga"

"Ang totoo niyan, i really...appreciate her, pati na yung mga sinulat niya"

"Pero kasi...sa ngayon..." Napabuntong hininga siya at tumingin sa'kin."Hindi talaga ako interesado sa pakikipagkita sa kanya"

"S-sorry pero...naging totoo lang ako sa gusto ko, kaya...ayoko munang magpakita sa kanya"

The True BelovedWhere stories live. Discover now