Beloved 13

1 0 0
                                    


Unsured Decisions

Zenny's pov

Three days after...

Hay nako...

Napabahing ako, nakapag-ayos na ako ng sarili kahit 7:30 palang ng umaga...

Lumabas na ako ng pinto at sinuot ang rubber shoes ko at lumapit na sa bintana.

Napayuko nalang ako, para kasing... hindi ko alam yung gagawin.

Pupunta pa ba ako?

Nakatulala lang ako sa gate habang nagdedesisyon.

Tatlong araw na kase yung lumipas, weekend na, pero, hindi pa'rin maalis sa isip ko yung mga sinabi sa'kin ni aerrol...

Kakayanin ko ba siyang harapin ngayon? Gusto ko talagang makapunta ng orphanage, pero... makikita ko siya, pati na rin si stephen.

Hayst! Ang dami talagang gumugulo sa utak ko ngayon!

Agad akong may kinuha sa shoulder bag ko at tinitigan yun...

Mga letters ni aliyah, kagabi niya lang 'to binigay sa'kin, ginising niya pa ako dahil 10pm na nun at ginising niya pa ako.

Napabuntong hininga nalang ako habang tinititigan pa'rin ang mga letters...

Gagawin ko na naman, ang isang bagay, for the sake of aliyah's peace of mind, hindi niya talaga susukuan ang gunggong nayun.

"S-sorry"

"P-pasensya, sorry talaga"

"Ang totoo niyan, i really...appreciate her, pati na yung mga sinulat niya"

"Pero kasi...sa ngayon..." Napabuntong hininga siya at tumingin sa'kin."Hindi talaga ako interesado sa pakikipagkita sa kanya"

"S-sorry pero...naging totoo lang ako sa gusto ko, kaya...ayoko munang magpakita sa kanya"

"Sana ma respeto mo yun"

Hays...

Hinawakan ko ng maayos yung mga letters."Dapat mo pa bang gawin 'to? zenny? Kailangan mo pa bang gawin 'tong lahat? Pwede ka namang tumanggi, 'di ba?" tanong ko sa sarili habang nakatitig pa'rin sa letters...

Hindi talaga ako sigurado sa desisyon na 'to, pero... nandito na ko eh.

"Aliyah...ayos ka lang ba?"

"Okay lang ako ate" aniya.

"Hay nako, kasalanan talaga to nung stephen na yun eh! Hayaan mo't makakatikim talaga siya sa'kin-"

"Ate, ayan ka na naman eh, wag mona siya pagtangkaan ng ganun" putol niya sa'kin.

"S-sorry talaga ha?" Simula ko habang nakayuko pa'rin.

"Ano ka ba ate, ayos lang yun, tsaka...wag mo nang sisihin sarili mo no"

"Wala naman din akong magagawa kung...ayaw niya talaga"

Naalala ko yung mga pagkalungkot ni aliyah nung time na yun.

Napakagat labi ako at napailing."Wala na talaga akong choice" huli ko at lumabas na ng gate...

The True BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon