Beloved 11

0 0 0
                                    


Pursue More

Aliyah's pov

Pababa na ako ng hagdan at agad nagmadali, malelate na kasi ako!

Nang makababa ay nakita ko ang gate ng bahay ni ate zenny.

"Ate zen? ate zenny?" pagtawag ko.

Sinilip ko rin ang gate pero mukhang wala nang tao. Tinignan ko mismo ang gate.

"Naka-lock na pala, bakit ngayon ko lang napansin?" dismaya ko sa sarili.

Teka, ibig sabihin pumasok na si ate zen?

Hays, ano ba kasing ginagawa ko? late na tuloy ako nagising.

Makabyahe na nga...

♡*♡𝓣𝓻𝓾𝓮 𝓑𝓮𝓵𝓸𝓿𝓮𝓭 ♡*♡ 

Nakapasok na ako ng gate, napatingin ako sa paligid...

Napabuntong hininga ako at nagpatuloy nalang sa paglalakad...

Mayamaya pa, nang mapatingin ulit sa paligid ay nakita ko si pam.

"Pam!" pagtawag ko, tumakbo ako papalapit sa kanya...

"Nakita mo si ate zen?" bungad na tanong ko sa kanya.

Umiling siya, "Hindi eh, pero nagchat siya sa'kin, sabi niya magkita daw kami mamayang break sa caf kase ibabalik na niya sa'kin yung make ups na ginamit  namin nung pageant mo" explain niya.

Tumango ako at napabuntong hininga...

Gusto ko sanang makasama siya, para makabawi din sa pagpasyal namin last time.

"Ganun ba? Hindi kasi siya sumabay sa'kin pumasok ngayon eh" wika ko.

Napayuko ako, "Hays, late na kasi ako nagising eh, sana pala nag-alarm ako ng maaga kagabi, baka busy din siya ngayong araw" napabuntong hininga ulit ako.

Sa gitna ng pag-uusap namin ni pam ay may pumukaw agad ng atenayon ko...

Lalaking naglalakad malapit sa'min, unang kita ko palang sa pamilyar niyang sapatos ay dahan dahan na akong napaangat ng tingin.

At lalo pa yun nagpabuntong hininga sa'kin...

Pati tuloy yung paglalakad niya, hindi ko na makalimutan.

Napagtanto ko nalang sa sarili ko na nakatitig sa kanya habang papalayo siya ng papalayo sa'kin...

I still feel the slow motion, siya na naman ang nag-iisang nasa paningin ko ngayon...

Sinundan ni pam ang tingin ko. "Kilala mo siya?" tanong niya.

Napabuntong hininga na naman ako, napakagat labi, at umiling habang nakatitig parin sa pigura ng lalaki na unti unti nang nawawala sa paningin ko ngayon...

Bakit kasi ang laki nung epekto sa'kin nung pag-ayaw niya? Dapat lang na intindihin ko yung desisyon niya diba?

P-pero... masakit parin, kasi... italso means, ayaw niya sa'kin.

The True BelovedWhere stories live. Discover now