Beloved 04

3 0 0
                                    


Same Place

Zenny's pov

"Hayss, weekend na naman" wika ko nang makita ang oras sa phone at napaunat.

Magiging busy pako ngayon, kaya kailangan ko na maghanda...

Bumangon na ko at nag-start nang mag-ayos, at pagkatapos ay naligo na rin ako...

Mayamaya pa ay tumunog yung phone ko...

Nagpunas nako ng buhok ko at pumunta sa kusina.

Sinagot ko yung tawag.

["Hello po? Sister? Napatawag po kayo?"]

["Zenny, pupunta ka ba ngayon?"] Tanong ni sister.

Napangiti ako, alam kong excited narin sila sa pagbisita ko ulit.

["Opo sister, actually naghahanda na po ako ngayon, on the way na po ako dyan"] ngiti ko.

["Sige iha, mag-iingat ka ha? Hinihintay ka na rin ng mga bata dito"] ani sister.

["Sige po, promise pupunta po ako dyan, on time, sige po"] huli ko.

Binaba na ni sister ang telepono at nilapag ko na yung phone ko.

Napangiti ako nang maisip ang mga bata dun...

Kaya kumilos na ko at nagbihis, pumunta muna ako ng hypermarket at nag-grocery ng mga pagkain na ipapang pasalubong sa kanila...

After ng isang oras ay bumyahe nako papunta dun...

Bumaba na ako ng jeep at pumara ng trycicle.

Mayamaya pa ay nakababa nako.

"Bayad po kuya" abot ko sa bayad ko.

Nakaalis na ang tryke at napaangat na ang tingin ko sa nasa harapan ko ngayon...

My home...

Orphanage...

Dito ako lumaki eh...

Batang bata pa ko nung nagsimula yung memories ko sa orphange na to.

Dalaga na ko nung inampon ako ng mama at papa ko, at nagpapasalamat ako sa kanila dahil kahit na walang wala sila nung mga panahong yun ay nagawa parin nila akong ampunin at buhayin...

Ngayon nga na kahit na successful business owners na ang adoptive parents ko ay binabalik ko na sa kanila lahat ng efforts na inilaan nila para sakin, kahit na paraket raket lang ako ay natutulungan ko pa rin sila.

Pero...i won't be thankful enough on this place...

I've heard that my biological parents were dead, and actually, i didn't know them, ni pangalan o itsura nila ay wala sa memorya ko...

Kaya kahit wala akong kinalakihang pamilya, ay marami naman akong nakasama at nakalaro dito nung bata pako.

Kaya ngayong nakakapag ipon na ko, every weekend in six months on a year, lagi ko silang binibisita...

Naglakad na ko papasok ng gate at bungad sakin ang tumawag sa'kin kanina na si sister linda.

"Hello po sister" ngiti ko sa kanya.

"Mabuti't nandito kana, nandyan na yung mga bata" anya at tinuro niya sila sakin.

"Ate zen!" Lahat sila ay sinalubong ako ng may pagkahalong mga ngiti.

"Ate zenny ate zenny, may dala po ba kayo?" Tanong ng isang batang si bea.

Napangiti ako sa kanila. "Oo, eto oh, marami akong dalang pasalubong!" Excite kong balita sa kanila.

The True BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon