Beloved 03

0 0 0
                                    


Old Stuffs

Aliyah's pov

Weekend morning na naman ang sumalubong sakin ngayon.

And as usual, wala akong pasok, pero nandito ako ngayon sa ospital at naglalakad papunta ng room ni lola...

Nandito na ko...

Nang makapasok nako ng pinto ay nakita ko na rin ang pinakamagandang ngiting sumalubong sakin ngayong araw...

"Aliyah" ngiti niya.

Agad nakong lumapit sa kanya.

"Morning po lola, eto po, may dala akong fruits tsaka pang almusal nyo po ngayon" pinakita ko sa kanya yung mga dala ko at nilapag yun sa table sa gilid.

"Ang aga mo naman pumunta dito apo, may gagawin ka ba?" Tanong niya.

Umiling ako. "Wala po la, pumunta po ako agad para bantayan kayo, wala naman po akong pasok ngayon, kaya ako nalang po magbabantay sa inyo" explain ko sa kanya.

Buo ang ngiti ni lola nang marinig niya ang sinabi ko.

Nagbalik rin ako ng ngiti sa kanya, for sure hindi siya maboboring ngayong ako ang ka-bonding niya.

Nagdaldalan kami at nagtawanan, kinuwento ko yung mga nangyari sa mga events sa campus, at syempre, kinuwento ko rin yung experience ko sa pageant event.

"Alam mo ba la? Sobrang kinabahan talaga ako nung una, muntikan kase akong ma-late dahil sa traffic, pero i made it in time, nung makarating kase ako ay marami pang ibang contestants yung mine-make up-an" kwento ko sa kanya.

Kinuwento ko pa kung gaano ako kinabahan nung rumampa na ko, at natuwa naman si lola dahil alam niyang nag-enjoy parin ako sa pageant lalo pa't nanalo ako...

After few hours ay nanood naman kami ng tv, nanuod kami ng paboritong comedy shows ni lola.

Sobrang tuwang tuwa si lola sa pinapanood...

Mas napapangiti pa nga ko habang nakikita yung pagiging happy niya, alam mo yung tipong masaya na parang walang sakit? o walang problema? Ganun kasaya si lola.

At mas lalo pa tuloy ako namo-motivate na pasayahin siya.

Pagkatapos ng ilang oras ulit ay pinakain ko na si lola at pinainom ng gamot...

*beep*

Nag-vibrate yung phone kaya tinignan ko yun.

Mama:

Aliyah? Nandyan ka na ba sa ospital?

Me:

Yes ma, napakain ko na rin si lola tsaka napainom ng gamot.

Mama:

Ah, ganun ba? May ipapakiusap din sana kami ni papa mo sayo.

Me:

Ano yun ma?

Mama:

Meron ka bang...konting pera dyan? Wala na kasi tayong budget sa pambili ng pagkain ng lola mo sa mga susunod na araw.

Napabuntong hininga na lang ako...

Naubos na pala yung pera mula sa sahod ni papa nung nakaraan...

Buti nalang marami pang gamot si lola ngayon...

The True BelovedWhere stories live. Discover now