Beloved 05

1 0 0
                                    


Letters

Zenny's pov

"Para po" sabi ko sa driver ng jeep.

Mayamaya pa ay huminto na ito...

Bumaba na ako at naglakad habang napakarami pa ring nasa loob ng utak ko.

Grabe...

Grabe talaga yung nangyari kanina...

Paparusahan niya ba ako bukas? Sana naman huwag.

Pero...

"Bro, ano bang sinasabi neto?"

"Hayaan mo na siya aerrol, don't be too nice to her"

"Miss, baka ikaw yung naliligaw"

Sa mukha niya kanina nung nakipagtitigan siya sakin.

Sa itsura palang niyang siraulo ay mukhang...

Aish!

Napailing ako at napapikit.

I'm in trouble for sure!

Patay na talaga ako bukas, baka siraan pa niya ko sa mga bata para matakot sila sakin.

Naku! Wag naman please!

Bigla ko nalang tuloy nababatukan yung sarili ko dahil sa mga nangyari ngayong araw, sa kahihiyang nagawa ko, sa lahat.

Napakamalas naman ng araw na 'to!

Di ko namalayang lampas na pala ako sa bahay ko...

Nakita ko na yung hagdan sa bahay nila aliyah.

"Ate zen?" Rinig kong tawag ni aliyah.

Nakaupo siya sa hagdan as usual.

Nakatulala pa rin akong parang tanga, pero nilapitan ko siya sa hagdan...

"Anong meron?" Tanong pa niya nang makalapit ako.

Hayss...

Naglabas nako ng napakalalim na buntong hininga at umupo na sa tabi niya...

Nakatulala pa 'rin akong parang sira. "Wala na, finish na 'ko" tangi kong nasabi.

Ramdam kong nakatingin na siya sa'kin ngayon.

"H-ha? Ano bang nangyari?" Taka niyang tanong.

Nagulat siyang nang mapapadyak ako sa dalawa kong paa at nanlisik ang mga mata. "Eh kasi naman eh!" Di ko na napigilan yung inis na nasa loob ko.

"Ate, ano ba kasing-"

"Bwisit talaga yung lalaking yon! Inasar asar ba naman ako! Malay ko bang mali yung napasok kong banyo?! Ha?!"

"Te, ano ba kasing nangyari? Ha?" Tanong niya.

Agad kong kinuwento lahat ng nangyari kanina.

At natawa lang siya.

Medyo nainis ako sa reaction niya, pero, may point naman yung reaction nyang yan since ako naman yung mali.

Pero...

Nakakagigil naman kasi talaga! Haysst!

"At eto pa ha! Alam mo bang six months daw siyang volunteer sa orphanage? So ang ibig sabihin lang nun, In six months, every weekend niya kong papahiyain! Arghh! Nakakagigil talaga siya! Malapit lang daw kasi yung bahay niya sa orphanage kaya siya naging volunteer eh, kainis!" Kwento ko pa.

Naiinis parin talaga ako na may halong takot din!

Nakuu, ano nang gagawin ko ngayon?

Tumatawa parin siya...

The True BelovedWhere stories live. Discover now