Beloved 09

0 0 0
                                    


Matchmaker

Zenny's pov

Hayop talaga yung lalaking yon!!!!

Naku! Naku talaga! Lagot talaga siya sa'kin bukas!

Anong karapatan niyang sabihan lang si aliyah ng ganun? Ha?!

"Siraulo ka talagang gunggong ka! Bibingo ka talaga sa'kin bukas!" Sigaw ko pa.

Hindi na talaga ako mapakali! Hayst!

Sinasabi ko na nga ba eh! Hindi talaga siya nakakabuti kay aliyah!

Walang hiya talaga siya!

Gusto ko man ilabas ang galit ko ngayon ay bawal na, natutulog si mama sa kwarto at katabi lang nito ang kwarto ko kaya maririnig niya ko.

Mabugbog nga yung lalaking yon bukas!

Humanda talaga siya!

♡*♡𝓣𝓻𝓾𝓮 𝓑𝓮𝓵𝓸𝓿𝓮𝓭 ♡*♡

Maaga akong nagising at agad nakong naghanda...

Siguradong hindi ko talaga makakalimutan yung bahay ng gunggong nayun.

Nasa trycicle nako ngayon at mukhang malapit nako sa ampunan...

Hindi nalang muna ako pumasok sa school ngayon, at sobrang nanggigigil talaga ako.

Hindi ko pa nakakausap si aliyah simula kagabi after niyang tumawag sakin, gusto ko sana siyang kamustahin pero maaga daw siyang pumasok sa school sabi ng mama niya...

Kailangan kong...makabawi sa kanya.

Kung pinigilan ko na lang kaseng mangyari yun, sana hindi nasaktan si aliyah, hayst.

Hindi! Kasalanan talaga 'to nung stephen nayun, bwiset talaga siya!

Nakababa nako ng tryke at agad nakong dumaan sa orphanage papunta sa bahay nila...

Malayo palang ay nagkasalubong na ang kilay ko nang makita ang lalaking nakatambay na naman sa hagdan sa weird niyang bahay...

"Hoy!" Sigaw ko sa kanya.

Agad niyang hinanap ang boses ko at mukhang nagulat pa siya.

Tuloy lang din akong tumakbo papalapit sa kanya.

Habang malapit na ako ay napatingin na siya sa'kin.

"What?" Tanong pa niya at nakatingin lang sakin na nagtataka.

"Ghm!" Binato ko sa kanya yung bag ko sa dibdib niya ng napakalakas.

"Aray! Ang sakit nun ha!" Anya at tinignan na ako ng masama.

Siya pa talaga may ganang tumingin ng ganyan ha!

Nakalapit nako sa kanya.

"Bakit mo ginawa yon?! Ha?" Sigaw ko pa.

"Bakit? Sinabi ko naman yung dapat gawin ha? Magsusulat ako if papayag ako o hindi 'di ba? What did i do wrong?" Aniya.

"Walang hiya ka talaga! Alam mo bang nasaktan si aliyah sa sinulat mo? ha!" Sigaw ko parin sa kanya.

Hindi parin talaga ako makapagpigil na komprontahin siya sa ginawa niya.

"Bakit? Bawal ba kong maging honest? Tsaka ikaw naman nagsabing magsulat ako if papayag bako o hindi sa meet up na yun 'di ba? It's your fault kaya tumigil kana" aniya.

"Ikaw pa talaga may ganang magalit ha! Sino ba yung naagrabyado? Yung kaibigan ko diba? Tsaka bakit ako yung sinisisi mo? Ikaw yung may kasalanan dito baliw ka!" Balik ko sa kanya.

The True BelovedWhere stories live. Discover now