Beloved 12

2 0 0
                                    


Courting

Zenny's pov

Ewan ko na talaga kung anong mga nangyayari ngayon!

Ewan ko ba dito kay aliyah, napakagulo ng mga desisyon!

Hay nako, biruin mo yun, tinanggihan na nga siya, uulit pa?

Hindi ko na talaga maintindihan kung paano siya na-in love sa gunggong na yun, ano bang salamangkang ginamit niya kay aliyah, ha?

Nagising ako tuloy ngayong umaga na puno pa'rin ng kaguluhan sa utak ko.

Pa'no na 'to? Pinilit na naman ako ni aliyah na gawin ang napakakorny niyang idea na pagbibigay ng sulat sa gunggong na yun! Gagawin ko ba?

Wala talaga akong choice...

Napailing iling nalang ako, magkakape na lang ako dahil maaga pa, six ng umaga.

Pumunta akong kusina at tumingin kung may kape pa dito, pero nang wala akong nakita ay bumalik ako sa kwarto ang nag-ayos ng buhok.

Lumabas ako sa gate at naglakad na papunta sa pinakamalapit na tindahan.

"Kopiko blanca nga po" bili ko.

Nang makabili na ay naglakad ulit ako papalapit sa bahay, pero nasa isip ko parin ang unbelievable na nangyari kagabi.

Habang naglalakad ay naalala ko na naman ang mga sinabi sa'kin ni aerrol  tungkol sa kaibigan niya kahapon...

"May pagkapilyo lang talaga yun si stephen, pero ang totoo, mabait yun"

"At madali pang ma-in love"

Ewan ko ba bakit ko parin naalala ang bagay na yun na parang lumalalim yung kuryosidad ko tungkol sa kanya...

"Ate zen!"

"O? Ano yun aliyah?"

"May ipapadala ulit akong mga letters, kay stephen"

"Hay nako, ang gulo!" Napahinto ako sa pagkadismaya at napakamot sa ulo.

"Madali daw ma-in love si stephen, pero si aliyah ay pinakiusapan na naman akong magpadala ulit ng letters sa kanya kasi ni-reject naman niya si aliyah nung una, ano ba talagang meron sa kanilang dalawa?" reklamo ko, nakakagulo na kasi lahat eh.

"Ang totoo niyan, i really...appreciate her, pati na yung mga sinulat niya"

"Pero kasi...sa ngayon..." Napabuntong hininga siya at tumingin sa'kin."Hindi talaga ako interesado sa pakikipagkita sa kanya"

"S-sorry pero...naging totoo lang ako sa gusto ko, kaya...ayoko munang magpakita sa kanya"

"Sana ma respeto mo yun"

Tsk! Ewan ko din ba sa gunggong na 'to, hindi ko alam kung ano talagang nasa isip niya, hindi ko alam kung hindi talaga siya interesado kay aliyah, kung ayaw niyang subukang makilala siya o talagang ang pangit lang talaga ng mga iniisip niya.

Basta! Hayst, kailangan kong gawin ulit yung kalokohan na'to all over again, na parang sayaw na kailangang from the top ulit para makabisado ang steps...

Napabuntong hininga nalang ako at naglakad nalang ulit.

"Zen! Zenny!" Tawag ng kung sino.

The True BelovedWhere stories live. Discover now