Beloved 18

0 0 0
                                    


Side of him

Stephen's pov

"Yan nalang muna sa ngayon, next week nalang ulit" padabog niyang inayos ang bag niya.

"Sana magbago na yang isip mo" huli niyang sabi at umalis.

Napabuntong hininga nalang ako at napunta ang palad sa noo.

Tinignan ko ulit siya habang papalayo. Napailing ako, napapikit ang mga mata at napaigting ang ngipin. Hindi ko alam na magiging ganito siya ka tensyonado ngayon.

I didn't know she'd be like this, i'm not used to her being like this, except when we first met sa orphanage, but this? Hindi ko alam na magiging ganito na pala kalala yung galit niya dahil sa sitwasyon.

I sighed at tinignan ulit ang nasa kamay ko.

"Ang tagal na rin kasi ng set up na 'to eh"

"Nahihirapan na'rin kasi si aliyah"

"Ayaw mo pa'rin ba?"

"Kahit minsan man lang oh, bigyan mo naman siya ng chance...para makilala ka"

Naalala ko pa'rin yung itsura niya kanina...

Sana, sana hindi ko na ulit makita yung galit sa mukha niya, parang ayoko kasing nakikita siyang ganun, especially kung dahil sa'kin...

I don't know why, maybe it's just because, i'm not used to it, since nung mga nakaraang mga weekends, normal naman ang lahat at nag-aasaran pa kami.

I should take action on this, besides, tama naman siya...

Kailangan ko na talagang kumilos...

♡*♡𝓣𝓻𝓾𝓮 𝓑𝓮𝓵𝓸𝓿𝓮𝓭 ♡*♡ 

Gabi na at nandito lang ako sa kwarto ko, nagcheck ako ng oras sa relo...

"Malapit na silang matapos sa ampunan" bulong ko.

Hindi nako pumunta ng ampunan, dahil informed naman akong mainit pa'rin ang ulo niya sa'kin at wala siya sa mood ngayon para pakisamahan ako dun, kaya nag-stay nalang ako dito...

Napasandal ako sa armchair ko nilalaro ang ballpen gamit ang dalawang daliri, nasatable ko ngayon yung papel na binigay sa'kin ni zenny...

Napatitig ako ng maigi sa papel...

Flashbacks...

Three Months Ago*

Habang nakaupo lang sa hagdan ay naglibot ako ng tingin sa lugar na pamilyar na pamilyar na talaga sa mga mata ko...

Mayamaya pa ay may nakita akong babaeng familliar sa'kin, and i chuckled as i saw her walking papunta sa'kin.

"What are you doing here?" i asked.

"Eh ikaw? Anong ginagawa mo dyan sa hagdan?" Balik tanong niya.

I smirked."Bahay ko to eh" sarcastic ko sa kanya

"Dito ako tumatambay kapag free time ko o di kaya kapag may iniisip" napairap ako.

The True BelovedWhere stories live. Discover now