Beloved 08

0 0 0
                                    


Sadness

Aliyah's pov

Ano ba kasi tong iyak na 'to! Kanina pa hindi matanggal eh!

Hay nako...

Napabangon ako mula sa pagkakahiga. Hindi ko mapilit yung sarili kong makatulog? Pano na?

Huminga ako ng malalim at napatingin sa paligid dito sa kwarto ko.

Hindi nakakatulong yung pagpilit kong matulog, pati narin yung pagpilit kong paglimot at pagtanggal ng luha ko. Kaya...hindi ata pwedeng nandito lang ako.

Palagi akong sinasabihan ni lola na dapat lagi akong natutulog ng maaga at hindi na lumalabas ng gabi.

P-pero ngayon...

Ayoko sanang sawayin si lola, pero...

Wala na kong choice.

Tumayo nalang ako at inayos ang sarili, for sure hindi naman magigising sila papa ng ganitong oras kaya hindi nila malalaman to.

Sana nga talaga hindi, baka isumbong pa nila ako kay lola.

Nagsuot ako ng pink na sweat shirt na cotton yung tela at naka jogging pants lang ako na black, sinuklay ang mahaba kong buhok na may pagka dark brown ang kulay at tumingin sa salamin. Balot na balot yung itsura ko pero ayos naman ako kung titignan.

Natapos nako sa pag-aayos at hawak ko na ngayon ang doorknob ng pintuan namin.

Napapikit ako."Sorry lola" bulong ko.

Kahit ngayon lang po, saka ko na po 'to sasabihin at saka nyo nalang din po ako pagalitan kapag gumaling na kayo, please? Sorry na talaga at naging pasaway ako ngayon.

Dahan dahan ko nang binuksan ang pinto, nagsuot ng tsinelas kong pink din, tapos agad nang bumaba at dahan dahang binuksan yung gate at siniguradong hindi yun makakagawa ng maingay na tunog habang binubuksan at sarado ko...

Nakalabas nako at naglakad na...

Tinignan ko yung relo ko, 9:30 na, kahit siguro bago mag 11 ay uuwi narin ako.

Huminga ako ng maluwag habang naglalakad at nakayuko lang.

Ewan ko ba kung bakit ko ba to ginagawa ngayong gabi, baka sabihin ni lola suwain nakong bata.

Pero...ramdam ko talagang kailangan ko to ngayon.

Napayakap ako sa sarili."Tama na aliyah, malalagpasan mo rin...ito" bulong ko sa sarili.

Tuloy lang akong naglalakad at nakapunta nako sa gilid ng kalsada...

Tuloy pakong naglakad hanggang sa marating ko na ang pinakamalapit na village sa baranggay namin, pumasok ako dun at naglakad pa...

Mayamaya pa ay nakita ko na nga ang lugar na sadya ko.

Ang park...

Kita parin ang maliit na fountain sa gitna dahil sa mga nakapalibot na street lights na color orange ang ilaw, may playground din sa gilid ay syempre, mga bench malapit sa fountain na may mga katabi ding halaman at may mga puno din sa gilid at sa dulo...

Nang makalapit ay umupo nako sa isang bench at napabuntong hininga.

Dito lang ako naglalaro noon nung bata bako, eto lang kasi yung malapit na lugar kung saan ako pwede ipalaro nila mama at papa noon, at dito rin paminsan minsan tumatambay si lola dahil kilala naman niya ang guard sa village na ito.

Napayuko nalang din ako...

G-grabe...

Bakit ba, ganito agad yung naramdama ko sa kanya? Nag-expect ba talaga ako ng sobra sobra?

The True BelovedWhere stories live. Discover now