Epilogue

15 1 0
                                    

Thank you so much for reading this book :))
*(Edit: July 2021) To be revised soon :))

-----
Epilogue

The smell of coffee enveloped the kitchen.

Ang plano ko sana ay gumising ng mas maaga. Pero sa dami ng kinailangan ko'ng gawin ay madaling araw na akong nakatulog. If not for Simeon's phone call, malamang, before lunch ulit ako magigising. Nakakahiya kay Reese.

"Alam mo naman na puwede kita'ng tulungan, 'di ba?" Ani Reese habang nilalapag ang bowl ng kanin.

I groaned nang makaramdam ako ng pag-throb sa ulo ko.

"'Yan, sige. Magpuyat ka pa," she added.

Hindi ko pinansin ang kaniyang mga sinabi at nginisihan siya. She rolled her eyes pero kinikilig naman 'yan! Kunwari pa.

"Uuwi ba si Cadence?" Tanong ko sa kaniya.

"Ba't sa'kin mo tinatanong? Pinsan mo 'yan, ah." Sagot niya sa'kin.

Ngumiwi ako sa pagsusungit niya. I just need to understand that it's that day of the month for her. Kailangan ko lang tiisin at pahabain ang pasensya ko.

"Mas madalas naman kayo mag-usap." Ngumuso ako.

I waited for her to finish cooking para sabay kaming kumain. Nang makita kong ni-close na niya ang gas ay sinimulan ko nang kumuha ng tapa. Binigyan ko siya no'n at ng kanin.

"Bilisan mo'ng kumain. Kagabi pa raw tayo hinihintay ni Prim." Aniya.

"Nabanggit nga ni dad sa'kin. 'Di kaya nando'n na si Simeon?"

"They're probably spoiling her with dolls again." Bumuntong hininga si Reese at nilingon ang isang sulok ng sala.

Sa loob ng malaking box ay puno iyon ng iba't ibang parte ng dolls ni Prim. Hindi ko maintindihan kung bakit hilig niyang i-disembody ang kaniyang dolls at ilagay ang mga iyon sa hindi nilang totoong katawan.

Matapos ang breakfast ay nauna nang magshower si Reese habang nilinis ko pa ang kusina. She's probably still tired at tatlong araw pa lang siyang nagpapahinga.

Pagkalabas ko ng shower ay tumungo naman ako sa kuwarto para magcheck kung may messages o calls. Wala pa akong may natanggap na reply mula sa kliyente ko. Probably because madaling araw ko nang naisend ang kakailanganing materials at costs ng mga ito.

"Euan!" Sigaw ni Reese mula sa kusina.

"Oh?"

"Dalhin mo ang pink na jacket ni Prim! Nasa aparador niya 'yon!" Sigaw niya ulit.

Nilagay ko ang phone ko sa bulsa at tumungo sa kuwarto ni Prim. She's just two years old pero marami na ang mga damit na nasa cabinet niya. Ang pinsan ko'ng si Cadence is one of the many people na responsable para sa iyon.

Kaagad akong nalito pagkabukan ko ng wardrobe niya. Almost all of her clothes are pink! Hindi ko na lang masiyadong pinag-isipan at kumuha ng lang ng makapal na kulay pink na jacket.

"Alis na ba tayo?"

Tumango ako kay Reese at dumiretso sa garahe dala ang isang backpack para istart ang sasakyan. Nagpaiwan pa siya para icheck ang loob at ilock ang bahay.

Alas siete y media na nang makaalis kami sa bahay. Kahit Sunday ngayon ay medyo traffic pa rin ang papunta sa subdivision kung saan nakatira sina mama. Paminsan-minsan din kasi kaming pumupunta sa bahay nina lolo kahit na may caretaker na kong kinuha para sa iyon.

Tumigil ang pag-play ng kanta habang paliko na kami sa subdivision. Pangalan ni Cadence ang nabasa ko sa Caller ID. Reese answered her call.

"Hi Cadence!" Bati niya sa pinsan ko.

Compiled MemoriesWhere stories live. Discover now