Chapter Nineteen

19 1 0
                                    

Chapter Nineteen

Nakabangga ako ng iilang balikat sa pagmamadali ko para makapunta kay mama. Nakaramdam ako ng kaunting galit kay papa dahil sa bigla niyang paglapit kay mama ngayong gabi. Paano kapag bigla na namang tatas ang blood pressure niya dahil kay papa? Mas lalo lang na manganganib ang health niya kapag nasa paligid lang si papa.

"Pa!"

Bumaling sila'ng apat sa akin, at huli namang lumingon ang nakatayo sa harapan ni mama. I was taken aback dahil hindi ko inasahan na makikita ko ulit si Tito Zuriel. He never visited the Philippines, at sa pagkakaalala ko ay bawal pa siyang bumiyahe.

Ang mala-anghel niyang mukha na huli kong nakita fourteen years ago ay halos pareho hanggang ngayon. He was smiling gently kahit na mali ang pagtawag ko sa kaniya. My head buffered bago ako nakapagsalita ulit.

"Tito Zuriel!"

I tried my best to hide the shock sa boses ko kaya siya siguro natawa. Binigyan niya ako ng mahigpit na yakap at marahan pa niya tinapik ang likod ko. His skin was cold, at close to pale white na rin. Napa-isip tuloy ako kung kakarating niya lang or what.

"I haven't seen you for a long time, Mikael."

He looked at me with adoration in his eyes at sinuklian ko naman iyon ng sincere na ngiti. We weren't close, pero tandang-tanda ko pa rin ang paglaro namin ng dinosaurs at robots noong binisita namin sila ni Lola Naomi sa States.

"Oh. Ano'ng nangyari, Kael?" Tanong ni Tita Ericka sa akin.

Napansin ko'ng tinitignan ako nina mama, Tita Noelle, Tito Zuriel, at Tito Gab na tila nag-aabang. Lumunok ako habang nag-iisip ng magandang isasagot sa kanila.

"Wala naman, tita. Pamilyar lang po ang tindig ni Tito Zuriel."

Napansin ko na yumuko si tito pagkatapos ng sinabi ko, pero kaagad naman siyang ngumiti.

"Euan," naramdaman ko kaagad ang kamay ni Reese na nakahawak sa balikat ko habang kuryoso niyang tinitignan si Tito Zuriel. I doubt na kilala nga niya ito.

"Your friends are calling you, Reese... and Euan." Bumaling ako kay Tita Noelle na nagsalita.

"Bigla po kasi'ng tumakbo si Euan papunta sa inyo." Si Reese na ang sumagot sa kaniya.

"Babalik na po muna kami." Huli akong ngumiti kay mama bago ako sumunod kay Reese papunta sa malaking table nilang magkakaibigan. Ang mga pinsan ko na sina Cadence at Venice ay nando'n din, kahit si Simeon na medyo awkward.

Tinulungan ko si Reese na makaupo sa bakanteng upuan tsaka rin ako umupo sa gilid niya. Most of her friends ay lalake at kakaunti lang ang mga babae. I guess that's why komportable siya sa akin.

Isa-isa niya kaming pinakilala sa kaniyang mga kaibigan. Ang iba ay natatandaan ko pa ang mga pangalan habang ang iba naman ay hindi. Karamihan sa natatandaan ko ay nakita ko na o sinasabi niyang close sa kaniya.

"Mukhang wala ka nang chance, p're." Dinig kong sinabi ni Dustin, parte ng basketball team nila Ian, kay Carlson.

Inis siyang tinignan ni Carlson.

"You answered him, ate?!" Gulantang na tanong ni Cadence na hinawak pa ang magkabilang kamay sa mesa. Nakaupo siya sa gilid ni Venice at sa kabila naman niya ay ang kasayaw niya kanina na si Cassius.

"Reese?" Tanong ni Maby, kaibigan din ni Reese, na parang naghihintay ng sagot mula sa kaniyang kaibigan. Actually, mukhang lahat sila sa table ay naghihintay ng sagot ni Reese.

"Hindi naman sinagot na sinagot..." Tumingin si Reese sa ibang direksyon. "Manliligaw daw siya."

Kumunot ang noo ko dahil sa iilang singap mula sa iilang kaibigan niya. Nakakagulat ba talaga na may nanliligaw kay Reese? Napansin ko ang kabigan niyang si Maby ay todo ang pagngisi sa kaniya.

Compiled MemoriesWhere stories live. Discover now