Chapter Four

20 3 0
                                    

Chapter Four

Madaling araw pa lang ay gising na ako dahil kay Ian. Yakap-yakap niya ako at ang paa niya ay nakatungtong din sa itaas ng paa ko. Hindi naman ako makalayo o makagalaw man lang dahil sa posisyon niya.

"Ian? Ian," tawag ko sa kaniya. Kahit anong pagtapik ko sa kaniya ay hindi pa rin siya gumagalaw. Sinubukan kong makatulog ulit, pero gising na ang diwa ko.

Maingat kong inalis ang mga kamay at paa niya tsaka ako pumasok sa loob ng banyo para maghilamos. Pagakalabas ko ay mag-aalas singko pa lang ng umaga. Tulog na tulog pa rin sina Ian at Reese.

Maaga pa lang at tinatamad pa ako manood sa TV o gumamit ng cellphone. Naisipan ko ring mag-jog na lang sa loob ng subdivision, hindi pa naman maaraw at kakaunti pa lang ang mga gising o lumalabas. Dumiretso ako sa kuwarto ni Tito Russel at nagbihis.

Pagkababa ko sa unang palapag ay medyo madilim pa ang sala pero bukas na ang pintuan papunta sa garden. Uminom ako ng tubig at lumabas sa garde. Madaling araw pa lang ay dinidiligan na ni lola ang mga halaman.

"Good morning, apo." Bati ni lola nang mapansin niya ako.

"Good morning din, la. Magjo-jog po muna ako." Nang tumango si lola sa sinabi ko ay lumabas na ako ng gate at nag-jog palayo.

Habang nagjo-jog ako sa loob ng subdivision ay may iilang tao na kumakaway sa'kin. Ang iba ay pamilyar, kakilala, at ang iba naman ay hindi ko namumukhaan. Siguro ay kilala sila nina lola o mama, at nakapunta sa bahay dati.

Nang dumaan ako sa playground ay may nakita akong babae at lalake na naglalakad nang magkahawak ang kamay. Ganito rin kaya sina mama at papa dati? Bigla akong nag-cringe sa naisip ko.

Pagkabalik ko sa bahay ay mag-aalas sais na ng umaga. Gising na rin sina Ian at Reese na naka- upo sa sofa at parehong tulala sa TV. Dumaan na lang ako sa kusina at dumiretso sa kuwarto ni Tito Russel. Doon na rin ako naligo at nagbihis.

Mabilis lang ako na natapos sa pag-shower at kaagad ring bumaba. Pagbalik ko sa kusina ay kumakain, maliban na lang kay Reese na umuupo pa rin sa sofa. Mukhang hindi na siya tulala dahil nilingon na niya ako.

"Bakit hindi ka pa kumakain? Tara na," Aya ko sa kaniya.

Ngumiwi siya habang dahan-dahan na tumatayo habang hinahawakan ang backrest ng sofa. Hinawakan ko ang kaniyang braso at hinintay siyang makatayo ng maayos. Bago siya naglakad ay hinarap niya ako.

"Hinintay kita." Sagot niya at pinaikutan ako ng kaniyang mga mata.

Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko sa sinabi niya. May ini-imply ba siya?

Hindi ako bumitiw sa pagkakahawak ng braso niya hanggang sa maka-upo siya sa dining chair. Lumibot ako umupo sa gilid ni lola at kaharap si Reese. Tahimik lang siya na kumakain, at sumasagot lang siya kapag kinakausap.

Baka naman seryoso lang siya dahil nainip siya kakahintay sa'kin na bumaba. Bakit ba niya kaso ako kailangan hintaying kung pwede naman siyang mauna? Then again, nature na ni Reese na maghintay palagi.

Ang problema ko lang ay kung bakit ko ba 'to pinag-iisapan ng malalim?

"May pupuntahan ba kayo mamaya?" Bumalik ako sa katinuan nang tinanong kami ni lolo. "Baka naiinip na kayo rito sa bahay. Puwede pa rin naman kayong mamasyal." Paalala niya sa'min.

"Pupunta po ako mamaya sa court, lo." Sagot ni Ian at uminom ng kaniyang tubig.

"Ikaw Reese? Euan?" Baling naman ni lolo sa'min.

Sapilitan akong napaisip ng gusto kong gagawin bigla dahil sa tanong niya.

"Magpapasama po ako mamaya kay Reese na lumabas, lo." Dire-diretsong sinagot ko.

Compiled MemoriesWhere stories live. Discover now