Chapter Two

32 2 0
                                    

Chapter Two

Nalilito ako habang tinitignan ang mga bag nina Ian at Reese. Lalapitan ko sana si lola para tanungin siya pero sinabihan na daw niya sina Reese na dito muna sila pansamantalang mananatili habang hindi pa nakakabalik si Tita Ericka.

"Ate, dala mo ba ang charger-"

Umigtad ako sa sofa nang mag-ring ang telepono na nasa gilid ko lang. I chuckled nang biglang natahimik si Ian pagkatapos niyang malaman na si Tita Ericka ang tumatawag.

"Sigurado ba na okay ka lang?" Pangatlong tanong ni Reese habang minamasdan akong pababa ng hagdan. Tinanguan ko na lang siya bilang sagot.

Kanina pa ako pabalik-balik sa first at second floor ng bahay habang kumukuha ng lalagyan at mga gamit na ipapahabol sa hospital. Isa at kalahati ng malalaking eco-friendly bags na ang napuno ko pero hindi pa included ang iba sa pinapadala ni tita.

Matapos kong ilagay ang mga bags sa sala ay hinarangan ako ulit ni lola. "Ako na ang bahala, Euan," pakikiusap niya sa'kin.

Gusto sana ni lola na siya ang mag-aasikaso ng mga karagdagang gamit ni mama, pero hindi ko siya pinahintulutan dahil sigurado akong hahapuin at papagurin lang siya kaka-akyat-baba ng hagdan.

Hinawakan ko ang kaniyang balikat bago magsalita, "ayos lang po, kaya ko naman 'to." Tanggi ko pa sa kanya at umakyat ako ulit papunta sa pangatlong palapag ng bahay.

Iba sa pakiramdam ang silid ni mama ngayong umaga, parang hindi ito ang silid na pinuntahan ko kagabi.

Bago ko pa nahanap ang bag ni mama ay parang naligo na ako ng pawis. Natagalan ako ng kaunti sa paghahanap dahil nasa ilalim ito ng kaniyang study table. Bumuntong hininga ako at pabagsak na tumingkayad para mabuksan ang mini suitcase.

Patapos na ako sa paglalagay ng mga damit ni mama nang may nahulog sa ulo ko at napunta sa kamay ko.

"Aw..."

Ambigat ng nahulog! Baka mas lalo lang akong maging bobo ne'to.

Iiwan ko na lang sana ito sa sahig, pero nang maaninagan ko ang pangalan ni mama na nakaburda sa labas ay nilapag ko ito sa study table. Laman nito ang mga sulat na pakalat-kalat kagabi.

Dahil sa interes ko ay dinala ko ang buong lalagyan at iniwan muna sa loob ng silid na tinutulugan ko. Bago ako lumabas ay hinanap ko na rin ang wallet at cellphone ko.

"Okay lang ba sa'yo, hija?"

Pagkababa ko ay naabutan kong nagtitipon-tipon ang mga tao sa salas. Ano'ng meron at parang masinsinan ang pag-uusap nila?

"Yes naman, lola. Walang problema."

Nilagpasan ko silang tatlo para ilapag ang bag sa gilid ng dalawang eco bag. Nang harapin ko sila ay nilapitan ako ni lolo at binigyan ng two thousand pesos. Dahil ba ako ang paboritong apo ni lolo?

"Euan, sasamahan ka ni Reese para bumili ng dagdag na tubig at pagkain nina Ericka." Dahan-dahan akong tumango kay lola sa bilin niya.

"Kayo na ang bahala sa matitirang pera," dagdag ni lolo bago niya ginulo ang buhok ko.

Una kong nilagay sa loob ng taxi ang tatlong bags at sunod ko namang pinapasok si Reese. Ngayon ko lang natandaan na hindi pa kami naglu-lunch. Baka dadaan na lang kami mamaya sa kung saan na fast food.

"Reese?" Tawag ko sa kanya. Ngumisi ako nang binalingan niya ako.

"Oh?"

"Wala."

Gusto ko lang siya buwisitin, nakakatuwa palagi ang mga reactions niya. Pero ngayon ay umiling lang siya at tumitig ulit sa labas ng bintana.

"Reese?" Tawag ko ulit sa kanya.

Compiled MemoriesWhere stories live. Discover now